^

PSN Showbiz

Ysabel, magaling sa oras!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Talagang beauty and brain si Ysabel Ortega.

Ang suwerte ng nanay niyang si Michelle Ortega Pimentel dahil lumaking magalang at mabait ang kanyang anak.

Dagdag pa rito ang pagiging focus nito sa lahat ng ginagawa.

Tingnan mo at nakatapos siya ng college. Malaki sigurado ang pasasalamat ni Michelle sa anak dahil naging maganda ang kanyang pagpapalaki rito.

At ngayon balak pang ituloy sa Law ang kanyang pag-aaral.

‘Di ba ang bongga at talagang mapupuri mo na tinapos niya kahit nahirapan siya sa oras sa showbiz at sa kanyang pag-aaral.

Bihira ang maging maganda ka na at matalino pa, pero nakuha iyon ni Ysabel.

Kaya hindi nakapagtataka na hanggang ngayon wala pa sa isip nito ang magkaroon ng boyfriend dahil nga nasa pag-aaral ang focus niya, at ang dream niya na showbiz.

Kaya lalong kahanga-hanga ang dalaga dahil alam nito ang kanyang priority.

In fairness sa GMA 7 maganda ang handling ng career niya, binibigyan siya ng freedom sa oras. Naiintindihan naman nila ang hirap at pagsusumikap nito na makatapos ng abogasya.

Gaya ng Voltes V: Legacy na talagang maganda ang role niya kahit pa nga doon siya nangarag sa oras dahil ginawa ito nang patapos na siya ng college. Hindi madali ang requirements lalo na ‘pag graduating na. Bongga siya sa time management.

Kaya bow kami kay Ysabel Ortega na natapos niya ang Voltes V.

vuukle comment

YSABEL ORTEGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with