^

PSN Showbiz

Mark, naging matatakutin nang lumantad na bisexual

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mark, naging matatakutin nang lumantad na bisexual
Boy Abunda at Mark Bautista

Aminado si Mark Bautista na wala siyang regret sa ginawang paglalaladlad sa pamamagitan ng kanyang librong Beyond the Mark.

Nang tanungin siya ni tito Boy Abunda kung na-hit niya ang mark at kung na-achieve niya ang gusto niyang mangyari sinabi nitong “Yeah, the freedom.”

Inamin nga niya sa nasabing libro na siya ay bisexual at may ilang nadamay.

“Ang hirap mag-apologize sa isang bagay na totoo, like my truth. Wala akong regret,” aniya sa Fast Talk interview ni Tito Boy.

Pero ang isa pang naging epekto nito sa kanya ay takot tuwing magkakaroon siya ng concert na baka walang manood.

Ganundin pagdating sa acting, madalas siyang makatanggap ng alok ng mga pelikula na BL o Boys’ Love ang tema.

Hindi rin niya raw kinayang mag-open ng comment box sa social media accounts at maging ang mga review ng Beyond the Mark ay hindi na niya nabasa pero may nadiskubre siya.

“‘Yung people na I trusted na magsasabi sa akin ng totoo, ‘yun iyong pinaniwalaan ko. Mas na-shock ako dun sa mga taong ‘di ko inexpect na magsu-support sa akin.

“Mas ‘yun iyung pinanghahawakan ko.  May konting friends na naging distant (because of the revelation).  Mayroon naman sa showbiz na naging distant dahil feeling nila, I was just doing it for publicity,” banggit pa niya sa interview ni tito Boy.

Sa huli ay inamin naman ni Mark na happy siya sa kasalukuyan.

 

vuukle comment

MARK BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with