^

PSN Showbiz

Miles biglaan ang operasyon sa thyroid, may maintenance na for life

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Miles biglaan ang operasyon sa thyroid, may maintenance na for life
Miles Ocampo

Ahh nagkaroon pala ng medical emergency (thyroid problem) si Miles Ocam­po kaya siya naging healthy looking.

Kuwento niya sa Magandang Buhay, mabilis ang mga naging pangyayari.

Kita pa sa kanyang leeg ang bakat ng operasyon.

“Habang ginagawa ko ang Batang Quiapo, parang late last year ko po naramdaman (‘yung sintomas), ‘yung feeling ko parang lagi akong hapong-hapo. Tapos ‘yung feeling ko laging may nakasakal sa akin. ‘Pos hingalin po ako, nilalamig ako bigla o bigla akong naiinitan. So sabi ko, parang may something na,” kuwento niya kina Melai Cantiveros and Regine Velasquez.

“So nagpa-blood test ako, ganyan. Sabi it has something to do with my thyroid po. That time po hindi siya hypo, hindi rin rin siya hyper.

“Ang next step was pa-ultrasound.

Pagkatapos ay may biopsy at agad ay ini-schedule siyang operahan.

“Ang sabi sa akin was two options lang pero kahit ano, ‘kailangan natin siyang tanggalin.   Bibigyan ka namin ng mga three months for you to decide when to do it, or you have to do it ASAP’,” pag-alala niya.

“So galing pa akong trabaho bago ako i-meeting ng doctor.

“At that time frustrated na ako dahil sa weight ko ang iniisip ko, parang anong problema eh ginagawa ko naman ang part ko.

“At that time sinabi na kailangang operahan, that was Sunday, sinabi nila kung pwede ako ng Tuesday.

“After Batang Quiapo, I was supposed to guest pa sa ASAP, dapat sasayaw pa ako. Pero ayaw ko lumabas na hindi ko 100% ang aking paggiling. So kinailangan ko pa mag-cancel ng last minute tapos itinuloy na ‘yung operation,” paglalahad pa ng actress na napapanood din sa Eat Bulaga.

Nagpapasalamat na lang siya at naagapan ito dahil puwedeng kumalat daw ito.

May isang procedure pa raw siyang gagawin at maintenance na for life.

Pero nakakapagbiro pa siya sa peklat na sa leeg niya lumabas ang bata dahil nga tumaba siya.

vuukle comment

MILES OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with