^

PSN Showbiz

Summer workshop ni Ricky Lee pinipilahan, Paolo gusto ring magdirek!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Summer workshop ni Ricky Lee pinipilahan, Paolo gusto ring magdirek!
Ricky
STAR/ File

Naikuwento sa amin ng National Artist na si Sir Ricky Lee na ang dami palang celebrities na nagparating sa kanya ng mensaheng gustong sumali sa kanyang scriptwriting workshop ngayong summer. “May long list ako na naghihintay. Lahat sila interested. Dapat this March—birthday ko sa March 19—nausod nang nausod,” pakli ni Sir Ricky Lee.

“Definitely this year, may face-to-face nang workshop na gagawin. Kasi sa ngayon, nagwo-workshop ako sa GMA,” dagdag niyang pahayag.

Isa sa narinig naming gustung-gusto nang mag-workshop ay si Lovi Poe, at sinabi na rin nga sa amin ni Paolo Contis na interesado na rin siya.

Sana raw magswak sa schedule niya para makasali siya sa scriptwriting workshop.

Matagal-tagal na ring nagsi-share ng sketches na sinulat niya si Paolo para sa Bubble Gang.

Ang online talk show niyang Just In sa YouTube channel ng Sparkle ay siya na rin ang gumagawa ng script.

“So, feeling ko, ah sure ako actually, kumbaga matulungan at maturuan ako ni Sir Ricky Lee ‘di ba? Ma-develop ko ‘yung ano na ‘yun. Malaking bagay na nagtuturo siya, di ba?”

Diretsahan na rin niyang sinagot sa aming gusto na rin niyang pasukin ang pagdidirek.

“Dati lagi kong sinasabi, ayoko ayoko. Pero ngayon, gusto ko magdirek. Naniniwala akong kaya ko. Movie muna siguro. Feeling ko kasi ‘yung TV, again on an economic side ano of the business, marami siyang…feeling ko mas sanay ka na e, pagdating sa TV ‘di ba? Marami ka nang kailangang makunan na eksena within the day. Marami nang ganung ano, may pressure na feeling ko baka hindi pa ako ready. So, gusto kong mag-aral when it comes to directing. Baka film muna,” dagdag niyang pahayag.

Kung sakali, gusto raw muna niyang simulan sa pagdidirek ang mga kaibigan niyang magagaling na artista.

“Siyempre mga kaibigan ko, si Dong (Dingdong Dantes), ‘pag lalaki si Dong. Si John Lloyd (Cruz), sina Archie (Alemania), lahat sina Boy2 (Quizon)…si Bitoy, sina Sef. Bubble Gang! Kasi fee­ling ko, pinakamadali for me, while you’re learning ay kumportable ka sa environment mo.

“Kaya sabi ko, kapag ako nagdirek, gusto ko muna mag-produce sa akin yung Mavx, kasi si Lucky is a very good friend of mine. Alam kong alalayan niya ako when it comes to directing and everything. So, ang poproblemahin ko lang ang pagdidirek. So, ayoko muna ng attitude na artista, kasi attitude din ako e,” sabi pa ni Paolo na kabi-birthday lang nung nakaraang Martes.

Teka, nabati kaya si Paolo ng mga anak niya?

Hindi na ako sinagot ng aktor.

BFF ni Derek, kinumpirmang napagod sa showbiz ang aktor

Ang laki pala ng impluwensya ng kilalang si Mr. Freeze na si Gerry Santos sa mga kaibigan niyang artista na nagkainteres na pasukin ang pagnenegosyo.

Isa na nga si Derek Ramsay na kinuha pa siyang bestman sa kasal nila ni Ellen Adarna.

Sa nakaraang mediacon ni Mr. Gerry Santos sa bago niyang entrepreneurial show na Negosyo Goals sa AllTV, ikinuwento niyang sinasabi na raw talaga sa kanya ni Derek na gusto na niyang magpahinga sa showbiz at subukang magnegosyo.

Kaya pinasok nila itong Mr. Freeze na ice plant, at nai-enjoy raw ng aktor lalo na ang asawang si Ellen na laging nag-o-order daw sa kanya ng yelo.

“Parang nag-enjoy siya ngayon ng ganyan…napagod na raw siya e. So endorsements na lang ngayon ang tinatanggap niya e. So, parang naging family man siya, hindi maraming family ha?” pakli niya.

Kaibigan din niya si Aga Muhlach na suportado rin daw itong pagkakaroon niya ng show sa AllTV.

Bukod kina Derek at Aga, pati sina Isabelle Daza at Albert Martinez, may ilan ding sports personalities na pinasok din ang negosyo ng Mr. Freeze.

“Gina-guide ko lang sila, kasi ‘yung iba naman siyempre, busy sila e. Ang mga celebrities siyempre naka-focus sila sa showbiz. So, nakikita nila kung paano lumago ‘yung Mr. Freeze, most of them…actually marami akong partners, matutuwa kayo na in-inspire ko even ang mga basketball players sina Kiefer Ravena, si Alyssa Valdez, part of Mr. Freeze na,” masayang kuwento sa amin ni Gerry Santos.

Kaya asahan ang special participation ng mga kilalang artistang ito at ilan pang celebrities sa mga susunod na episodes ng Negosyo Goals na magsisimula na sa Linggo, March 19, 11:30 ng umaga.

vuukle comment

RICKY LEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with