^

PSN Showbiz

Mga palabas ng Teleradyo, live rin sa FYE Channel

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga palabas ng Teleradyo, live rin sa FYE Channel
Noli de Castro

Mapapanood ng live araw-araw ang ilang news at public service program ng TeleRadyo sa Kumu account ng For Your Entertainment (FYE) Channel.

Mapapanood dito ang Kabayan ni Noli de Castro, Lunes hanggang Biyernes simula 8 hanggang 9 a.m.

Pagkatapos nito, ipapalabas ang news rundown On The Spot nina Tony Velasquez at Karmina Constantino simula 9 hanggang 10:30 ng umaga.

Susunod naman rito ang programa sa serbisyo publiko na Lingkod Kapamilya kasama sina Bernadette Sembrano at Winnie Cordero simula 10:30 a.m hanggang 12 p.m.

Bukod pa rito, mapapanood ang news talk show na S.R.O kasama sina Alvin Elchico at Doris Bigornia tuwing Miyerkules ng gabi simula 8 p.m. hanggang 10 p.m., habang ang financial literacy program na Diskarte kasama sina Salve Duplito at May Valle-Ceniza ay live rin tuwing Friday ng hapon simula 4 hanggang 5 p.m.

Samantala, matutunghayan rin ng mga manonood ang latest showbiz chika sa Kumu Star Ka kasama si Ahwel Paz tuwing Linngo ng hapon simula 3 hanggang 5 p.m.

vuukle comment

NOLI DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with