^

PSN Showbiz

Vhong todo-todo ang pasasalamat sa Supreme Court!; Cryptic message ni Kat nag-viral ulit, hinahamong magdemanda kung may ebidensiya...

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Vhong todo-todo ang pasasalamat sa Supreme Court!; Cryptic message ni Kat nag-viral ulit, hinahamong magdemanda kung may ebidensiya...
Vhong Navarro

Mahaba ang statement ni Vhong Navarro kahapon pagkatapos ilabas ang decision ng Supreme na ipinadidismiss ang kasong Rape and Act of Lasciviousness.

“Dasal ako nang dasal every day and every night na hopefully ay makuha ko na ‘yung minimithi ko, na matapos na itong pinagdadaanan ko. Kasi may mga panahon na akala ko, nawalan ako ng pag-asa eh. Nawalan ako ng hope nung nasa loob ako.

‘Pero hindi ako tumigil sa pagdarasal kaya eto na po, (dininig) na po ng Supreme Court ‘yung dasal natin. At nagkakaroon na po ng maganda ang ginawa nilang pagresolba sa kaso ko. Kaya maraming-maraming salamat sa Supreme Court. Maraming-maraming salamat sa aking legal team na talagang nandiyan hindi ako pinabayaan,” umpisang pahayag ni Vhong kahapon sa It’s Showtime.

Pinasalamatan din niya ang mga taong hindi siya iniwan at all the way ang naging suporta.

“Of course, ABS-CBN dahil hindi ako iniwan, binigyan ako ng trabaho. Welcome ako rito sa Showtime. Sir Carlo Katigbak, Sir Mark Lopez and of course Tita Cory Vidanes, maraming-maraming salamat. I love you. Lagi kayong nandiyan. Lagi kayong nakaalalay sa akin. Of course, Direk Chito Roño, sa manager ko. I love you boss thank you so much. Sa Streetboys.

“At sa mga taong naniniwala sa akin, sumusuporta sa akin, marami pong salamat. Of course my family, kay Tanya, kay Yce, kay Bruno, sa dalawang nanay ko, sa mga kapatid ko at sa mga kaibigan ko pa, maraming-maraming salamat,” ani Vhong.

“Dahil sa Supreme Court naniniwala po ulit ako na may justice system sa Pilipinas. Salamat po. Kaya patuloy po tayong magdarasal. God is really good,” pahayag pa niya.

Hindi rin naitago ni Vice Ganda ang saya sa naging dismissal ng kaso ng comedian / TV host.

“Ang saya-saya nating lahat. Sabi ko nga sa chat very joyful, victorious and meaningful day, hindi ba? Ang daming messages ng pangyayari na ‘yon, isang pangyayari lang pero ang daming messages na sini-send out sa atin ng Panginoon doon. Just keep the faith. Haharapin mo ang pinakamabigat na ganap sa buhay pero at the end you will win because I am with you, ‘yun ang sabi Niya, hindi ba?”

Dagdag pa niya : “Ang bigat-bigat nang pinagdaanan mo sobrang bigat, hindi ba? Pero hindi ka nag-iisa, nandiyan. Sabi nga nila if it’s not good it’s not the end because everything will end good. Ganda. Ang saya natin. Let’s keep the faith.”

Tiyak na makakatodo na ulit si Vhong sa kanyang career at unti-unting makakabalik sa normal na buhay unless mag-file pa ng motion for reconsideration si Deniece Cornejo.

Samantala, walang pangalan pero nag-viral ang post ng dating VJ na si Kat Alano.

Tulad sa mga naunang post niya, patungkol diumano ang nasabing cryptic post sa pagpapadismiss ng Supreme Court sa kaso ni Vhong.

Aniya sa isang tweet ; “So you gotta have frieeeends…

“Friends in all the right places, even when you’re wrong.”

Kaya naman hinahamon na si Kat na kung may ebidensiya siya againt Vhong kasuhan niya na para magkaroon na rin siya ng peace of mind.

vuukle comment

VHONG NAVARRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with