^

PSN Showbiz

Regine, lumabas ang pagiging komedyana sa concert

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Regine, lumabas ang pagiging komedyana sa concert
Regine
STAR/ File

Alam mo, Ateng Salve, sayang at hindi ka nakasama sa amin sa Solo concert series ni Regine Velasquez-Alcasid dahil talagang sobrang ganda no’n.

Done na kagabi ang 4-night concert series sa Samsung Performing Arts Theater sa Circuit Makati ng misis ni Ogie Alcasid, pero marami ang mga nagre-request na sana ay magkaroon pa ‘yon ng another weekend.

Pero I doubt kung agad-agad na mangyayari ‘yon dahil sa March 14 na nga ang alis ni Regine pa-Amerika para naman sa second leg ng Iconic concert nila roon ni Sharon Cuneta.

Of course, sabay na aalis ang Asia’s Songbird at Megastar, pero sa March 12 ay magre-rehearsal muna sila.

Anyway, going back to Solo. Noong Friday ako nanood ng third night no’n at talaga namang sa sobrang galing ni Regine ay napapatayo ang audience, huh!

Nakakaaliw rin siya habang nagkukuwento. May isang part pa na siya ang nagbuhat ng silya at mesa na gamit niya sa stage. Nagwalis din si Regine ng mga tissue na ginamit niya, kaya naman aliw na aliw ang fans.

Naku, sobrang nakakatawa si Regine, kaya may mga nagsabi rin na sana ay gumawa siya ng sitcom. Teka! Bakit hindi sila gumawa ng mister na si Ogie ng isang sitcom na mala-John & Marsha noon ng mga yumaong sina Dolphy at Nida Blanca? For sure, magki-click ‘yon dahil pareho silang nakakaaliw na mag-asawa, huh!

Anyway, feeling ko ay mag-a-advance rin si Regine ng episodes ng Magandang Buhay morning show nila nina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal dahil aalis na nga siya. Baka pati portions niya sa ASAP Natin ‘To! ay mag-taping din siya para hindi siya ma-miss ng kanyang fans.

Anyway, makiki-update na lang kami kay Regine sa rehearsal nila ni Sharon dahil dadalaw kami sa kanila on March 12.

‘Yun na!

Alex at Angeline parehas ang ugali

Happy ako na nakapasok sa first Summer Metro Manila Film Festival ang pelikulang Single Bells nina Alex Gonzaga at Angeline Quinto.

Alam mo, Ateng Salve, pareho kong ka-close sina Alex at Angeline at masasabi kong pareho silang mabait.

Kahit marami ang namba-bash ngayon kay Alex (at baka ma-bash din ako dahil sa mga sasabihin ko), still, masasabi ko na mabait siyang tao at hindi nagbabago ang kanyang magandang ugali sa mga taong dati na niyang ka-close.

Si Alex ‘yung tipong kapag nakikita ako, siya talaga ang unang babati at magtatanong ng, “Kuya Jun, kumusta ka na?!”

Hindi ko rin siya nakakitaan kahit minsan ng pagkayabang. Ang saya nga niyang kasama.

‘Yon ang experience ko with Alex, kaya ‘yon ang nasasabi ko at kung may pagkakamali man siya sa iba, at least, inaamin naman niya at nagso-sorry siya, huh!

Hindi siya ‘yung tipong ipagpipilitan na palagi siyang tama and ‘yon ang gusto ko talaga sa kanya!

Si Angeline naman, sobrang bait din at nakakaaliw ‘yan na kasama.

Marespeto rin si Angeline, kaya love na love ko.

Ang maganda pa sa kanya, may mga pagkakataon na kapag magkikita sila ng common friends namin, nagre-request siya na isama ako dahil nami-miss na raw niya ako.

Bongga!

‘Yun na!

vuukle comment

REGINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with