^

PSN Showbiz

Aktres na ubos-ubos biyaya noon, natuto nang mag-ipon

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Naaliw ako sa isang premyadong aktres. Nang malaman kasi niya na nasa isang mall ako, nagbiro siya na tingnan ko naman ang mga item doon at baka may puwede raw siyang bilhin.

“Pero bawal na akong mag-mall at mamili ngayon,” biro pa ni premyadong aktres.

Kilala kasi si premyadong aktres na mahilig magwaldas ng pera noong araw, pero ngayon naman ay sinasabi niyang “bawal” na.

Actually, nagbago na si premyadong aktres. Karamihan ng mga perang kinikita niya ay sine-save na niya. Hindi na siya gastos nang gastos. Alam niya kasi na hindi naman forever na may project siya.

Ngayon ay wise na si premyadong aktres. Marunong na siyang mag-ipon dahil sabi nga niya, para kapag nangailangan siya, may dudukutin siya at hindi niya kailangang mangutang.

Yes! Noong time na ubos-ubos biyaya si premyadong aktres, maraming beses din siyang nagipit at nangungutang pa nga sa mga kakilala.

Ayaw na ni premyadong aktres ng ganoong buhay!

Manny, ayaw nang maki-join sa mga pulitiko?!

Si Vhong Navarro sa 60th birthday party ni Senator Jinggoy Estrada na ginanap sa Solaire Tent noong Friday night.

In fairness, hindi umiwas ang isa sa It’s Showtime hosts sa entertainment press. Siya pa nga ang lumapit sa amin nang makita kami. Nangumusta si Vhong sabay tanong kung nasaan na raw si Annabelle Rama?

Looking good si Vhong at kasama pa niya sa table ang dati nilang direktor sa It’s Showtime na si Bobet Vidanes.

Samantala, ang ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao naki-join sa table ng mag-iinang Annabelle, Ruffa at Raymond Gutierrez sa birthday party ni Jinggoy.

May nagtanong sa akin kung bakit hindi sa may VIP tables sa may harapan nakaupo ang mister ni Jinkee Pacquiao. Nandoroon kasi ang karamihan ng mga pulitiko.

Actually, nang makita ni Manny sina Tita Annabelle at Ruffa, doon na siya nag-join sa kanilang table hanggang dumating na rin si Mond.

Naghanda naman ng production number ang mga kaibigan ni Jinggoy.

Nag-duet ang mag-asawang Senator Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado, pati sina Senator Robin Padilla at Lorna Tolentino.

May duet din sina Philip Salvador at Amy Austria.

Kasama rin sa production number na ‘yo sina Ali Sotto, Bayani Agbayani at iba pa.

May production number din ang pamilya ni Jinggoy.

Ang saya lang ng party na ‘yon kung saan ay marami ang bumibiro kay Jinggoy na senior citizen na siya at may special discount na.

‘Yun na!

vuukle comment

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with