^

PSN Showbiz

Aktor na endorser ng beauty clinic, lutang na ang mga kulubot sa mukha!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Naku, Ateng Salve, sigurado dapat nang magsipag ang isang aktor sa pagpunta sa beauty clinic na ine-endorse niya dahil hindi na mailihim ang kanyang secrets, huh!

Secrets as in ang kanyang fine line sa mukha na talaga namang hindi na maisikreto dahil kitang-kita na lalo na kapag ngumingiti siya.

May nagpadala nga ng picture ni aktor sa akin kung saan kitang-kita na ang mga kulubot niya sa noon, gilid ng mata at kahit sa pisngi, ‘noh?!

Eh, ‘yung beauty clinic naman na ine-endorse niya, maraming magagandang machine na puwedeng makabawas sa kanyang fine lines, ‘yon nga lang, kailangan talaga niyang maglaan ng oras para sa kanyang face treatments.

Agree, ­Ateng Salve? 

‘Yun na!

Heart, laging bitbit si Sen. Chiz

Kahapon ang birthday ni Heart Evangelista at sunud-sunod ang mga birthday dinner simula last week.

Pati ang grupo ni Tim Yap, may pa-dinner din kay Heart courtesy of society magazine editor Anton San Diego (na best friend ni Pops Fernandez dahil matagal silang naging classmates).

In fairness, sa ilang birthday dinner ni Heart na nakita ko, palaging nandoroon ang mister niyang si Senator Chiz Escudero.

At least, mukhang okey na okey sila at hindi na maiintrigang there’s something wrong sa kanilang pagsasama, ‘noh?!

Bongga!

Donna, hinihiritang bumalik sa pag-arte!

Birthday rin kahapon ni Donna Cruz na misis ni Yong Larrazabal.

Isa si Sunshine Cruz sa mga bumati sa kanyang pinsan.

Sobrang close sina Donna at Sunshine at naikuwento nga ng huli na very soon ay dadalawin niya sa Cebu ang dating singer-actress.

May mga fan nga pala si Donna na hanggang ngayon ay umaasang magbabalik pa rin sa pag-arte si Donna.

Teka! Bakit kaya hindi siya kunin ng The Iron Heart ni Richard Gutierrez na nagte-taping sa Cebu?

Naisip na kaya nila ‘yon at kung sakali, willing kaya si Donna na mag-artista nga uli?

‘Yun na!

vuukle comment

BEAUTY CLINIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with