^

PSN Showbiz

Singer actress, gusto munang ilihim ang relasyon sa afam

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Alam mo, Ateng Salve, may karelasyon ngayon na foreigner ang isang singer-actress, pero tahimik lang siya tungkol doon.

Hindi naman sa gusto ni singer-actress na ilihim ang tungkol doon dahil pagdating naman sa circle of friends niya, ikinukuwento niya ang tungkol sa karelasyon.

Hindi nga lang niya binabanggit in public ang tungkol sa LDR (long distance relationship) nila ng foreig­ner. Ayaw kasi ni singer-actress na may netizens na magkomento pa tungkol doon dahil dumaan na rin sa isang LDR si singer-actress at hindi naging okey ‘yon.

Nauwi ‘yun sa hiwalayan pero ang maganda nga sa kanya, hindi siya na-trauma at nang may dumating na lalaki uli sa kanyang buhay, kahit pa foreigner ‘yon at hindi naman dito sa atin based, nag-second try pa rin siya.

Ngayon nga ay happy si singer-actress kahit LDR sila ng kanyang foreigner-boyfriend.

Inaasahan din ni singer-actress na mauuwi na ‘yon sa forever.

So bongga!

Mom, iikutin ang Pinas

Ang media conference kahapon ng Martyr or Murderer ng Viva Films. Maaga pa ay nasa Podium na ang cast dahil nag-video shoot muna sila para sa promotions ng kanilang pelikula.

Si Ruffa Gutierrez nga, 2:00 p.m. pa lang ay nasa venue na at fully made-up na rin dahil nag-pictorial at video shoot.

Excited si Ruffa sa gagawin nilang pagpo-promote sa second part ng blockbuster movie nila na Maid in Malacañang.

Puno ang schedule ni Ruffa, pati nina Cesar Montano, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz at iba pa dahil hindi lang sila sa Metro Manila may promotions.

Nakatakda silang pumunta sa iba’t ibang cities around the Philippines para sa pelikula na ipalalabas na sa March 1.

May special participation nga pala si Isko Moreno sa Martyr or Murderer.

‘Yun na!

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with