^

PSN Showbiz

Mr. Fu nagpa-rescue vs 'violent fan' matapos harangin kotse sa studio

Philstar.com
Mr. Fu nagpa-rescue vs 'violent fan' matapos harangin kotse sa studio
Litrato ni Mr. Fu (Jeffrey Espiritu) matapos humingi ng saklolo sa barangay matapos harangin ng nagwawala at umano'y "bayolenteng" tagahanga
Mula sa Facebook page ni Jeffrey Espiritu

MANILA, Philippines — Nagpasaklolo sa barangay at production staff ang radio at TV personality na si Mr. Fu (Jeffrey Espiritu), matapos harangin umano ang kanilang sasakyan ng nagwawalang fan, na araw-araw na daw nag-aabang sa kanya.

Sa isang Facebook post, Biyernes, sinabi ng tanyag na host na matagal nang napapansin ng kanilang gwardya ang pag-aligid ng babaeng tagahanga sa labas ng kanilang istasyon ng radyo. 

"[K]anina,bandang 5:58 a.m., habang papalapit kami sa studio, bigla siyang humarang sa kotse (from nowhere) at nagwawala," wika niya ngayong umaga.

"[K]inailangan naming umikot. [N]akita namin ang barangay hall at humingi ng tulong. [P]umunta ang isang tanod. [P]ero 'di nya kinaya. Naglabasan ang mga boys ng production para makiawat (In fairness malakas si ate ha!)."

 

 

Umalis naman daw kanina ang nabanggit, dahilan para makapasok siya sa studio at maka-ere sa kanilang programa. Pero pag-uwi, nakita pa nilang nag-aabang sa kanto ang babae na siya nilang iniwasan.

Noong nakaraang linggo lang nang natiyempuhan sila ng nabanggit palabas ng parking area nang biglang habulin ang kanilang kotse. Kinausap niya ang nabanggit kahit na "hyper," pinaunlakan ang hiling na autograph at tinanggap ang ibinigay na "love note."

Sa kabila nito, bigla pa raw umeksena ang babae nitong Lunes sa labas ng studio ng programa nilang Abante Teletabloid: "[T]his time, 'hyper na violent' na sya. Medyo mahirap pakiusapan," dagdag pa ng host.

"[S]ana may kamag-anakan siya na pwedeng makapagbantay sa kanya. [O] baka pwede sa [DSWD] muna para ma-assess ang kanyang kailangan," wika ni Mr. Fu.

Nakilala si Espiritu sa pagiging radio DJ sa 91.5 Win Radio, 103.5 Wow FM, 106.7 Energy FM at kilala rin sa paglabas sa ilang programa sa TV5. Sumikat siya sa kanyang nakakatawang pamamaraan at kilala sa expression na, "Meganon?" 

Nagsusulat din siya bilang showbiz writer ng Pilipino Star Ngayon. — James Relativo

vuukle comment

MR. FU

STALKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with