^

PSN Showbiz

Nanette, ‘di pinagsisigawan ang kayamanan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Nanette, �di pinagsisigawan ang kayamanan
Nanette
STAR/ File

Alam mo, Salve, millionaire ang asawa ni Nanette Medved na si Cris Po. Isa sa top celebrity si Nanette, pero alam mo ba na ang suot niyang alahas ay isang small diamond stud earrings, at wedding ring. Walang layers of bracelet, o kaya ay takaw-pansin na pendant. Ang ginagamit niyang relos ang cellphone niya para makita ang oras.

Isang simpleng ready to wear ang suot niyang bestida, walang signature bag, at kahit Jimmy Choo ang sapatos hindi ‘yung takaw-pansin na signature shoes. So simple, gayun alam mo na isa sa pinakamayaman ang pamilya Po sa Pilipinas.

Noon pa ganyan na kasimple si Nanette Medved kaya naman hindi kataka-taka na hindi siya takaw-pansin dahil hindi tulad ng iba na parang gustong ipagsigawan sa lahat ang mga alahas nila, si Nanette very classy na naka-tune down lang. Bongga talaga, mas nakaw-eksena. Kaya ganyan kayo dapat, Gorgy at Salve, classy simpleness, mas bongga.

‘My heart is full of gratitude’

Naku, Salve, siguro I have done something good in my past life kaya napapaligiran ako ng maraming living angels.

Can you imagine Susan Co, Alice Eduardo, at Miguel Belmonte, sa mga nag-aalok ng tulong para sa aking medical expenses. Kung minsan nga nagugulat ako na biglang may mga text na gustong magpadala ng tulong gaya ni Jean Saburit na ang tagal ko nang hindi nakikita o nakakausap. Mga taong out of the blue bigla na lang tatawag para mag-alok ng tulong. How touching talaga kaya naman my heart is full of gratitude.

I will never forget these favors, it will forever be in my heart. No matter what, ‘yung pagdamay nila sa oras na kailangan mo ang pagmamahal ay isa nang patunay na nandiyan sila sa tabi mo all these years. For this alone, feeling ko magaling na ako. Salamat talaga. Sa inyo ni Gorgy, thank you rin, Salve. Nagbigay kayo ng lakas ng loob sa akin kaya feeling malakas ako. Bongga, tuloy ang ligaya.

vuukle comment

NANETTE MEDVED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with