^

PSN Showbiz

Lani, babalik ng bansa!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Lani, babalik ng bansa!
Lani

Alam mo, Ateng Salve, bukas na ang dating sa bansa ng Asia’s Nightingale na si Ms. Lani Misalucha. Bale tinapos lang muna niya ang Morongo Casino Resort and Spa sa Cabazon, California show niya noong Sunday.

Tinapos lang ni Lani ang show na ‘yon na hindi natuloy noong una dahil nagkasakit siya ng shingles, na hindi naman niya inilihim.

Anyway, pagdating bukas ni Lani ay wala na siyang pahinga dahil diretso na siya sa taping ng The Clash ng GMA 7.

Ang nasabing show ng Kapuso Network ang dahilan kaya pauwi na si Lani.

Kuwento sa akin ng mister ni Lani na si Noli Misalucha, medyo magtatagal daw sila ng ‘Pinas. Dito na sila magki-Christmas at New Year at hanggang sa grand finals ng The Clash sa end of April ay hindi muna sila babalik sa bahay nila sa Las Vegas, Nevada.

Dahil nga raw sa The Clash ay walang tinanggap na shows sa Amerika si Lani hanggang sa May.

“Bale May to December na uli ang shows ni Lani sa Amerika. Bale habang may The Clash, hindi muna kami uuwi ng Amerika. Pero baka may Japan kami na four days, pero inaayos pa,” sey ni Papa Noli (paboritong tawag sa kanya ng mga taong ka-close).

So ngayong Christmas nga raw ay hindi muna nila makakasama ang mga anak at mga apo nila sa Amerika.

Naku, Ateng Salve, ano kaya ang ipanglalaban ni Lani sa jet lag? Kasi bukod sa taping bukas ay magte-taping din sila ng Dec. 17, 18 at 19?

‘Yun na!

Heaven, ‘sinisid’ si Ian?!

Naku, sa presscon kahapon ng Nanahimik ang Gabi 2022 Metro Manila Film Festival movie nina Ian Veneracion at Heaven Peralejo, inusisa ko ang huli dahil sa eksena niyang sumisisid sa swimming pool na naka-bra at panty lang.

Aminado naman si Heaven na noong una ay uncomfortable siya sa mga ganoong eksena, pero ipinaliwanag naman daw sa kanya ng kanilang direktor na si Shugo Praico kaya ginawa niya.

Dahil sumisid si Heaven sa swimming pool, tinanong din namin siya kung may eksena ba na si Ian naman ang “sinisid” niya?

Sabi naman ni Heaven, panoorin na lang namin ang Nanahimik ang Gabi at doon daw masasagot ang katanu­ngan namin.

Anyway, isa si Direk Lino Cayetano ang isa sa mga producer ng pelikula at dalangin niya na bumalik uli sa mga sinehan ang mga tao para sumigla uli ang pelikulang local.

Sa The Block cinema ng SM North EDSA raw nila ginawa ang presscon kahapon para mas ma-feel lahat ng mga nandoroon ang sinehan.

Bongga!

vuukle comment

LANI MISALUCHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with