^

PSN Showbiz

Social media influencers, nagdudurugan ng pagkatao dahil sa pera!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Social media influencers, nagdudurugan ng pagkatao dahil sa pera!
Zeinab Harake

‘Di ka-level ng mga artista...

Nakakaloka rin pala itong away ng ilan sa mga social media influencer.

Nakakaaliw subaybayan sa una, pero habang tuma­tagal, hindi na nakakatuwa. At ang pangit ng mga pinag-awayan.

Puro pera ang mga kuda na kesyo siya ang gumastos kay ganito. Ginamit si ganyan para kumita. Hindi nakakatuwa!

Ibang-iba siya sa mga isyung kinasasangkutan ng mga artista.

Kaya kahit sinasabi nilang mas sikat, mas maingay at mas sinusubaybayan ang mga social media influencer, sa artista pa rin ako! Mas may manners, at edukada ang dating. Mas maingat at nandiyan pa rin ang charm nila kahit malala na ang isyung kinasangkutan.

Lilipas lang ang panahon, makakalimutan na ang negati­bong isyung kinasangkutan ng mga artista at nakakabawi.

Itong ibang sikat na social media influencers, talagang siraan at durugan ng pagkatao. Hindi dapat tularan!

Kaya ewan ko lang kung matutuwa ang ilang kumpanya na kumukuha ng mga social media influencer na endorsers.

Ayaw lang magkomento ni Ms. Rei Anicoche-Tan ng Beautederm, ramdam kong disappointed siya sa kinasangkutang isyu ni Zeinab Harake.

Ang hangad na lang niya ay matapos na itong mainit na isyung ito, kasi siyempre concern din niya ang produktong ini-endorso ni Zeinab.

Ang hindi pa maganda rito sa mga kuda ni Zei­nab, nadadamay pa sina Jelai Andres at Sanya Lopez na kasamahan niya sa Beautederm.

Kaya sana manahimik na si Zeinab dahil lalo lang niyang binabaon ang sarili sa kapahamakan.

Kahit sabihin pang nasa tama siya, at siya ang naaapi, pag-isipan muna niya kung kailan siya dapat magsalita at kailan na siya mananahimik.

Sandaling nagkausap kami ni Wilbert Tolentino kahapon, hindi namin gaanong pinag-usapan ang mainit na isyu nila ni Zeinab.

Naka-focus siya kay Herlene Budol na magsisimula nang mag-training para sa laban niya sa Miss Planet International sa Uganda.

Pinayuhan ko na siyang huwag nang magsalita. Mas mainam kung ang abogado na niya ang pahaharapin sa mga bintang na ka-libel libel.

Naikuwento ko na kay Wilbert na natutuwa si Sandy Andolong kay Herlene, dahil napakabait daw at totoong-totoo.  Wala raw pretensyon si Herlene at magalang.

Si Sandy ang gumaganap na ina ni Herlene sa Magandang Dilag, at ramdam na raw niyang nanay-nanayan siya nito.

Bikini contest, nabuhay na ulit

Hinihintay na lang daw ang executive order na pipirmahan ng ating pangulong Bongbong Marcos na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor na lugar.

Unti-unti na kasing nararamdaman na normal na ang lahat, kaya tuluy-tuloy na ang mga show na naka-schedule at nagta-traffic na nang bonggang-bongga.

Kaya ang isa sa ikinatuwa namin ay ang pagbabalik ng mga bikini contest.

Mahigit dalawang taon ding gutom ang mga kontesero at kontesera sa mga bikini contest. Kaya ang laking tuwa nila nang gawin ng event organizer at producer na si Marc Cubales ang isang malaking bikini competition, ang Cosmo Manila King and Queen 2022.

Gaganapin ang Cosmo Manila 2022 sa SM Skydome sa November 5 na sasalihan ng 17 female candidates at 15 male candidates.

Halos lahat sila ay sanay nang sumali sa ganitong kumpetisyon, pero sobrang kinakarir nila ito ngayon dahil bumabalik na sila sa ‘bikini world’ at tumataginting na 200 thousand pesos ang matatanggap ng title-holder.

Kaya nagpapasalamat silang lahat kay Marc Cubales dahil muli niyang binuhay ang bikini competition at inaasahan nilang tuluy-tuloy na ito.

Sa mga gustong manood ng grand finals ng Cosmo Manila King and Queen 2022 sa SM Skydome, available ang ticket sa SM Tickets. Puwede ring tumawag sa telepono 09667088434 at 09602533903.

Magsisimula ang show ng 7 ng gabi na ihu-host nina Michael Bristol, Joy Barcoma at John Nite.

vuukle comment

ZEINAB HARAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with