^

PSN Showbiz

Nikki Valdez, nakaranas ng depresyon nang ‘di makabuo sa in vitro fertilization

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Nikki Valdez, nakaranas ng depresyon nang �di makabuo sa in vitro fertilization
Alg at Nikki
STAR/ File

Napanood ko ang lumang interview ni Fr. Tito Caluag kay Nikki Valdez (last February) kahapon ng umaga kung saan inamin ni Nikki na dumaan siya sa depression.

Ito ay dahil hindi pala sila nagtatagumpay na magkaanak ng asawa niyang si Alg Garcia pagkatapos ng dalawang beses na subok sa in vitro fertilization na isang mahirap at magastos na proseso upang magkaanak.

Aminado si Nikki na nagtatanong pa rin siya sa sarili kung bakit hindi siya nagkaka-baby samantalang nakita nila ang lahat ng sign at ginawa nila ang lahat ng kanyang mister.

“There are days kapag mag-isa ako bigla na lang akong iiyak. I always ask why. I feel that sometimes I don’t deserve this but you know sabi ko nga kay God maybe, You have a purpose and there is a purpose in everything,” aniya sa interview na kahapon ko lang napanood.

“Hindi ako nawawalan ng tiwala at panalangin sa Diyos hindi naman niya kami pababayaan kasi there are so many things na I’d like to look back.         “Doon ko na lang ifo-focus ‘yun. Kung walang Diyos, kung wala ‘yung panalangin ko na ‘yun sa kanya, ‘yung relationship ko na ‘yun sa kanya tingin ko wala rin ako,” bahagi ng kuwento ni Nikki sa programa ni Fr. Tito na napanood sa Metro Channel.

Pero tanggap na raw niya at patuloy ang pag­darasal niya na magkaroon sila ng anak ng kanyang mister.

May isang anak na siya sa nauna niyang marriage.

Last August lang nag-celebrate ng 4th wedding anniversary ang mag-asawa.

“Four years ago, I was blessed to marry you— someone I could laugh and cry with, do everything together with, be silly with, hope and dream great things with…

Thank YOU for accepting ALL of me— the good and the bad, the beautiful and ugly. Lastly, I thank God for giving me my missing puzzle piece that is you to complete our family picture.

“You are my home. My love. My life.

“Happy 4th Wedding Anniversary, my love!!! There is no one I could think of spending the rest of my life with but you,” ang post ni Nikki last August.

vuukle comment

TITO CALUAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with