^

PSN Showbiz

Angelica halu-halo ang emosyon, ‘di mawari ang sarili!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Ilang linggo na lamang ay manganganak na si Angelica Panganiban.

Sa ngayon ay halu-halong emosyon ang nararanasan ng aktres. “Nakakabaliw siya. May mga nights or days na umiiyak na lang ako. Minsan masaya ‘yung iyak, minsan talagang, ‘Ginagawa ko naman lahat, bakit ang hirap?’ Alam ko naman na lilipas din siya. Hinahayaan ko naman ‘yung emotions ko na mag-come and go, but I don’t serve them tea. Huwag mong patambayin ‘yung emosyon, huwag kayo mag-inuman,” kwento ni Angelica.

Malaki ang pasasalamat ng aktres sa kasintahang si Gregg Homan na palaging nakasuporta sa kanyang piling sa gitna ng mga nararanasan.

Mahigit dalawang taon nang magkarelasyon sina Angelica at Gregg. “Sobrang supportive naman niya, nandiyan lang siya. Lahat ng kayang i-prepare, prinepare ko na. Sa meditation, every morning na lang yata ako umiiyak. Pina-pacify ko ‘yung sarili ko na kaya mo iyan,” dagdag pa niya.

Para kay Angelica ay hindi pa niya mawari kung nakahanda na talagang maging isang ganap na ina. “Hindi ko talaga alam. Bumuo kami ng baby mga one year until na-bless talaga ka­ming nangyari na siya, ‘di ba? No’ng nangyari na siya, akala mo prepared ka. Totoo pala talaga ‘yung sinasabi ng lahat na akala mo prepared ka, pero hindi,” paglalahad ng aktres.

Janella, tinakot na ‘di na makakabalik pagkapanganak

Paganda nang paganda ang mga eksena ng Mars Ravelo’s Darna ana pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Ipinakilala na rin ang karakter ni Janella Salvador bilang si Regina at sa mga susunod na linggo ay masasaksihan na ang pagiging Valentina ng aktres.

Ayon kay Janella ay nagdalawang-isip pa siya noon kung tanggapin ang proyekto. “I actually had second thought. At first pinag-isipan ko muna kasi obviously I’ve never done a role like this before. Usually ang roles na ginagawa ko, ako ang inaapi or mabait, ganyan. My first time to do something like this na I’m like super villain. So pinag-isipan ko siyang mabuti. At naisip ko, why not? And it is one of the best decisions I’ve ever made. I’m really enjoying being Regina at Valentina,” pagbabahagi ni Janella.

Hindi rin daw kaagad naging malapit si Janella kay Jane noong nagsisimula pa lamang ang kanilang taping para sa bagong serye.

“Hindi kami agad-agad naging close rin. Kasi we are both introverts but we really made an effort to bond with each other, we worked on it talaga. I really want to get to know her din. Kasi siyempre magkakasama kami rito so kailangan maging okay. Nagba-bonding kami. We watch movies together. Tapos nagfu-food trip kami after taping, okay naman so far. Pareho kaming old souls, mahilig din siya sa old songs, old movies,” kwento ng aktres.

Samantala, magdadalawang taong gulang na ang anak ni Janella at Markus Paterson na si Jude.

Aminado ang aktres na napaisip siya kung posible pang makabalik sa show business pagkatapos manganak. “Well, the people around me were obviously afraid for me. And mara­ming nag-plant ng gano’n sa utak ko na, ‘Baka di ka na makabalik. Nanay ka na.’ After giving birth, I was, been hoping and praying na sabi ko, ‘Ano kaya ang magiging comeback and big break?’ And ito nga biglang nag-rise ang opportunity na ‘to, so I took it,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

ANGELICA

GREGG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with