^

PSN Showbiz

Dahil sa duyan, Sarah may paramdam sa magiging baby nila ni Matteo

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Official video performance ni Sarah Geronimo nang kantang Du­yan ang napanood sa ASAP last Sunday pero wagas na wagas ang plugging nito ng umano’y pagbabalik niya sa show, huh!

Nakatakda sanang ilabas ni Sarah ang video sa kanyang YouTube channel. Nagkaroon nga lang ng technical difficulties kaya pansamatala muna itong tinanggal ayon sa tweet ni Mrs. Guidicelli.

“But don’t worry, we will upload a better version tomorrow,” tweet ni SG last Sunday.

Bakit kaya Duyan ang title ng kanta ni Sarah? Hmmmm nalalapit na kaya ang pagbubuntis niya? Bata lang ang gumagamit sa duyan, huh!

Karla, umawit ng Lupang Hinirang

Naatasang kumanta ng Lupang Hinirang ang Tingog party list representative-actress na si Karla Estrada sa pagbubukas ng 19th Congress kahapon.

Lumabas ang picture ni Karla sa isang report na naka-Filipiniana habang kumakanta ng national anthem.

Kaya pala nawala na sa showbiz si Rep. Karla.

At least, may kasangga na siya sa Senado si Rep. Karla na si Senator Robin Padilla na  kapatid ng ama ng kanyang naging anak, si Rommel Padilla.

Sa State of the Nationa Address ni Pangulong Bongbong Marcos, rampahan ng kasuotan ang mga mambabatas lalo na’t face t face na ngayon ang SONA, huh!  

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with