^

PSN Showbiz

Rabiya, naiyak sa relasyon nila ni Jeric

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Rabiya, naiyak sa relasyon nila ni Jeric
Rabiya at Jeric
STAR/ File

Hindi napigilan ni Rabiya Mateo na maging emotional nang napag-usapan na ang relasyon nila ni Jeric Gonzales.

Parehong promising ang career nila at maayos ang pag-alaga ng Sparkle GMA Artist Center sa kanila kaya tinanong namin sa kanilang mediacon kahapon kung sakaling magkakaroon ng conflict ang kanilang lovelife, alin ang ipa-prioritize nila, ang lovelife o ang kanilang career.

Obvious na in love silang dalawa sa isa’t isa kaya pilit nilang binabalanse nila ang kanilang relasyon sa gumaganda nilang career.

Sabi ni Jeric: “Nine years ako dito sa GMA. So, lahat ‘yun ginawa ko para mag-workshop, nakuha ko lahat na experience sa mga veteran actor na nakasama ko. Sa singing, ginawa ko naman lahat.

“Ngayon nang dumating siya (Rabiya), hindi maalis na she’s a blessing talaga to me. Kung ano ang ginawa ko dati, na-inspire ako, mas na-inspire pa ako ngayon. Ang sarap sa pakiramdam na may someone na nandiyan na nag-aalaga sa ‘yo, nag-advise sa ‘yo, naniniwala sa ‘yo, pinu-push ka pa lalo na gawin ‘yung best sa lahat na ginagawa mo.”

Aminado silang challenging sa kanilang dalawa itong hinaharap nila kung paano nila mapananatili ang relasyon sa gitna ng trabaho nila sa showbiz. “It’s hard talaga kapag pareho kayo sa showbiz. Pero I think, more on communication talaga and understanding.

“’Yun lang ang dapat naming gawin. Magtulungan kami sa isa’t isa, mag-intindihan kami sa isa’t isa. Ayusin namin, and sa tingin ko kaya naman.

“Mahirap po pero masarap,” napapangiting pahayag ni Jeric.

Nagsimula pa lang magsalita si Rabiya ay maluha-luha na siya dahil tala­gang ipinaglalaban daw niya ang kanilang relasyon. “Ang dami kong sinacrifice for this one,” pakli ni beauty queen/actress.

“’Pag nagmahal po talaga ako todo, and I can sacrifice few things kung ‘yun ang makakapagpabuti sa akin and kay Jeric. Mahalaga sa akin ‘yung trabaho, pero mahalaga rin sa akin si Jeric,” madamdamin niyang pahayag.

Marami ang naintriga sa cryptic message na ipinost niya sa kanyang Instagram account, at nilinaw niyang walang kinalaman doon si Jeric. “Wala naman po. Life as a whole na there are things na I do regret na ginawa ko sa sarili ko.

“It has nothing to do with Jeric, dahil kami ni Jeric ay lumalaban po talaga kami sa buhay,” sabi pa ni Rabiya.

“Aminado naman po kami na we’re not perfect, and alam ko when we were starting, ang daming nagsasabi na sa akin talaga na if you want to have a growing career in showbiz, huwag daw mag-boyfriend. Huwag daw pumili ng artista. Pero I didn’t listen to that and I chose to love at its fullest.

“I just want to be the author of my story. Kasi, there were moments in my life din na akala ko ‘pag nakinig ako sa iba, ‘yun po yung makapag-peace sa akin, and I would have revenge na sana I did what I want na sana sinunod ko kung ano ‘yung best inside my head, and this time siguro mas matapang ako makipaglaban kung ano ‘yung importante sa amin,” saad pa ni Rabiya.

Hindi naman naaalis ang mga ganung struggle sa relasyon at ayon sa nasasagap namin, napapadalas ang kanilang away, pero ang ending pa rin ay nananaig ang pagmamahalan sa isa’t isa. Kaya sana mapanghawakan nila ito.

Pinaghahandaan na ni Rabiya ang bago niyang show kasama sina Pokwang at Kim Atienza. Kering-keri niya ‘yan dahil hosting ang isa sa forte niya.

Naka-focus naman ngayon si Jeric sa Start-Up Ph na next week daw nila iri-resume ang taping.

Male personality na nanalo sa kongreso, nag-world tour kasama ang aktres

Vacation mode pa rin ngayon ang karamihan sa mga pulitikong nanalo sa nakaraang eleksyon.

Ang isang male celebrity na nanalo sa Kongreso ay kaagad na nag-world tour, at babalik na lang bago magbukas ang 19th Congress.

Sa kanilang social media nalalaman kung nasaan siya, pero maingat sa ipinu-post dahil kasama niya ang kila­lang magandang aktres.

Bawal daw mag-post kasama si magandang aktres. Pero nakalusot sa isang IG story na nahagip ng video si magandang aktres.

Katatapos lang ng programa na pinagbidahan ni aktres, kaya deserved naman niya ng bakasyon.

Nakumpirma tuloy na sila na nga talaga.

Hindi na maitatanggi dahil madalas nga silang magkasama at mukhang happy naman sila sa kanilang relasyon. Pero quiet lang talaga, lalo na si magandang aktres na marami na rin ang nali-link sa kanya.

vuukle comment

RABIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with