^

PSN Showbiz

Probinsyano, babu na talaga?!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Tatapusin na raw talaga ang Ang Probinsyano sa July. Lumabas na ang tungkol dito sa ibang mga balita.

Ok lang naman siguro na matapos na nga ito dahil masyado nang pinahaba ang serye. Bagama’t sinasabi nila na iyan ay ang Probinsyano ni FPJ (Fernando Poe Jr.), mukhang mas dapat na ngang sabihing Probinsyano ni Coco Martin dahil ang layo sa kuwento ng pelikula ni FPJ.

Maski characters wala nang nagmula kay FPJ kundi ang character ni Cardo Dalisay at ang daming sumulpot na characters na iba na.

Noong isang gabi ay napanood namin sa TV ang isa sa mga pelikulang Probinsyano ni FPJ, talagang sa kuwento ay may nakalaban siyang mga pulitiko sa probinsiya, pero hindi umabot ang problema hanggang sa Malacañang.

Isa pa, hindi maikakaila na ma­laki ang cost of production ng serye.

Isipin ninyong itinambak na nila roon ang lahat ng malalaking artista na hindi mo naman puwedeng bayaran ng barya-barya lang.

Halimbawa si Sharon Cuneta, sabihin mo mang hindi kumita ng malaki ang huli niyang mga pelikula o hindi mo na babayaran katulad sa ibinayad sa kanya ng TV5, pero hindi mo naman siya puwedeng bayaran ng ordinary rate.

Ang kanilang commercial load, hindi na kagaya ng dati, kasi wala sila sa free TV kundi doon lamang sa blocktimed channels nila, at napapanood lamang sila sa cable at internet.

Kaya kung totoo man na finally ay tatapusin na ang serye at papalitan ng Darna na si Jane de Leon, ayos na rin.

iba na ang dating

Humakot ba ng malaking audience ang pagbabalik ni Anne Curtis sa It’s Showtime?

Ang kanyang ginawang production number na alam naman nating pinaghirapan din dahil sa matagal na panahon ngang hindi niya ginagawa ‘yun pero parang nagawa na niya or baka tala­gang iba kapag may franchise ang ABS-CBN.

Oo sa social media ay maingay, pero iba ‘yung nasa free TV katulad noong bago siya namahinga.

Matinee idol, bumalik sa gay lifestyle

Bahagya siyang nanahimik noong panahon ng pandemya, siyempre dahil hindi sigurado ang kita at delikado talaga. Pero ngayon, sinasabi nilang nagbalik na si matinee idol sa kanyang gay lifestyle.

Nakikita na siya ulit sa mga watering holes, at malakas nga ang tsismis tungkol sa kaugnayan niya sa isang bagets.

Kung sabagay, sa tanda ba naman niyang iyon ay mababago pa niya ang kanyang buhay at maaalis ang kanyang kabadingan. Noon nga kahit na aktibo siya sa isang born again church hindi ba sumabog pa ang mga kuwento tungkol sa kanyang unpleasant liaisons?

vuukle comment

ANG PROBINSYANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with