^

PSN Showbiz

Bida star, nagbabalik kasama si Anji

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bida star, nagbabalik kasama si Anji
Anji
STAR/ File

Nagbabalik ang online talent competition ng ABS-CBN na Bida Star para hanapin ang susunod na online singing sensation na Bida Star Singer kasama sina Karina Bautista at Aljon Mendoza at ang pinakabago nitong host na si Anji Salvacion.

“Naranasan ko rin ang mararanasan nila kaya nagpapasalamat ako na makasama bilang host ng isang singing contest kasi dito rin ako nagsimula,” sabi ni Anji na dating contestant sa Idol Philippines sa ginanap na media confe­rence nito.

Dadaan ang mga aspiring singer sa iba’t ibang hamon tulad ng The Cover kung saan magpapasiklaban sila sa harap ng hurado, The Online Gig at ite-take over nila ang kumu account ng Star Hunt, at online bagsakan.

Ani ni Karina, “Mas nae-excite ako ngayon kasi gusto ko makita kung paano bibigyan ng bagong flavor ng contestants ang mga kanta na marami nang umawit. Excited ako kung ano pa ang mabibigay nila at mahahandog nila sa ating mga Kapamilya.”

Ibinahagi naman ni Aljon kung paano nahasa ng Bida Star ang kanyang skills sa hosting.  “Natutunan ko kasing makinig sa mga guest kaysa mag-focus sa mga tanong na ibinigay. Mas importante kasi ‘yung communication at connection,” saad niya.

Tiyak naman na maraming matututunan ang mapipiling contestants sa mga huradong sina singing coach Anna Graham, Polaris head Reily Santiago, at isang weekly celebrity guest judge mula sa Polaris.

Bongga naman ang mauuwing premyong ng winner ng Bida Star Singer,  kasama dito ang ABS-CBN management and recording contract, isang special trophy, at P50,000.

Bukas ang auditions para sa mga Pilipinong may edad 18 pataas at may talento sa pagkanta.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with