^

PSN Showbiz

Ibang taga-Tawi-Tawi na pinuntahan ni Atom, gustong bumoto

Pilipino Star Ngayon

Dalawang buwan na lang at Eleksyon 2022 na. Muling boboto ang mga Pilipino na magiging simula ng bagong kabanata ng ating kasaysayan. Pero higit sa ingay ng kampanya at kung sino ang mga papalaring manalo, mas mahalagang tanong kung paano haharapin ng mga bagong lider ng bansa ang mga problemang kailangan nilang tugunan –isa na rito ang lagay ng sektor ng edukasyon.

Para sa The Atom Araullo Specials: Write to Vote, na mapapanood nga­yong Linggo (March 20), dumayo si Atom Araullo sa pinakadulong bahagi at isa sa mga pinakamahirap na probinsya sa Pilipinas – ang Tawi-Tawi.

Sa gitna ng kahirapan, ang 50-taong gulang at volunteer teacher na si Kansida Arances o Teacher Sidang ay matiyagang umaakyat sa stilt houses doon para magturo sa mga bata maging sa kanilang mga magulang. Sakay ng isang bangka, 21 hanggang 25 nakalutang na mga bahay ang binibisita niya kada linggo na siyang ring nagsisilbi nilang silid-aralan. Isa sa mga estudyante niya ang pitong taong gulang na si Marsila. Pangarap niyang maging guro at maaga niyang ginagampanan ang tungkuling ito sa kanyang mga magulang.

Isa rin sa mga masugid na nakikinig kay Teacher Sidang ang mangingisda at seaweed farmer na si Sali. Sinasamahan niya ang kanyang mga anak dahil gusto niyang mas matutong sumulat at bumasa kasabay ng mga bata.

Magagamit daw nila ang kaalamang ito sa pagboto sa mga susunod na eleksyon at ayaw niyang mangyari sa mga anak niya ang pakiwari niya’y panlolokong naranasan niya noon. Dati rati, kailangan pang may mag-assist kay Sali para ma­kaboto at  hinala raw niya’y hindi tamang pangalan ng kandidato ang naila­lagay sa kanyang balota.

Kaya naman sa kauna-unahang pagkakataon sa darating na Mayo, nais ni Sali na siya mismo ang makaboto. Ang pangarap na makahawak ng panulat at mabasa ang mga pangalan sa balota – tila nakalutang na pangarap pa rin ng iba pang Pilipinong salat sa edukasyon.

Abangan ang dokumentaryong Write To Vote sa The Atom Araullo Specials ngayong March 20, 2 p.m. sa GMA.

vuukle comment

ELEKSYON

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with