^

PSN Showbiz

Vhong and Ogie, naghatid ng saya at katatawanan sa It’s Sharetime

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Vhong and Ogie, naghatid ng saya at katatawanan sa It�s Sharetime
Vhong at Ogie.

Pinangunahan nina Vhong Navarro at Ogie Alcasid ang pagbibigay aliw at katatawanan sa unang araw ng It’s Showtime’s It’s Sharetime nitong Huwebes (Marso 10) sa pagpapatuloy ng isang daang araw na fundraising drive ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation para sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Samahan ang It’s Showtime family sa sampung araw nilang fund-raising campaign at tangkilikin din tulad ng matagumpay na finale ng Kapamilya Family Date Nights noong Miyerkules (Marso 9) kung saan nakalikom ang mga bituin ng MMK at Viral Scandal ng halos P1.4 milyon para sa mga biktima ng Bagyong Odette, kasabay ng pagdiriwang ng ika-30 taong anibersaryo ng MMK.

Natulog nang nakangiti ang mga manonood noong Huwebes (Marso 10) dahil sa kuwelang tandem nina Vhong at Ogie. Sa una nilang challenge na Gaya Gaya G, ni-reenact nila ang ilang scenes sa mga pelikulang My Ex and Whys, Paano Na Kaya, at Paano Kita Iibigin na may twist. Mas umingay pa ang comment section nang salitan silang nag-translate ng kanta mula sa Ingles patungo sa Tagalog.

“Maraming Salamat sa oras na ibinigay niyo na makasama kami ni Kuya Ogie pati si Ate Reg. Dahil itong ginagawa namin ay hindi po para sa amin, ito po ay tulong namin para sa mga naapek­tuhan ng Bagyong Odette,” sabi ni Vhong.

Hindi lang silang dalawa ang nagpasaya sa madlang pipol dahil sinamahan din sila ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na sumayaw ng Boom Shakalaka at kumanta kasama ng kanyang asawa.

Samantala, lubos naman na nagpasalamat ang host ng MMK na si Charo Santos sa ipinakitang kabutihang loob ng viewers at donors pati na rin sa oras at suporta na ibinigay ng iba’t ibang artista sa pangunguna ng Star For All Seasons na si Vilma Santos-Recto, Pia Wurtzbach,Dimples Romana, Janine Gu­tierrez, Karina Bautista, at Aljon Mendoza, para makapagbigay ng home repair kits para sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Isabel at Nathan, tinanghal na Adult Kumunity Top 2 ng PBB

Matapos ang sunud-sunod na matitinding hamon ni Kuya, kinilala sina Isabel Laohoo at Nathan Juane bilang Adult Kumunity Top 2 ng Pinoy Big Brother (PBB) Season 10 noong weekend.

Sina Isabel at Nathan ang nakatanggap nang pinakamara­ming votes to save mula sa outside world kaya naman sila ang tinanghal na Top 2 ng Adult Edition.

Nanguna si Isabel sa botohan na may 29.56 percent at pumangalawa naman si Nathan na may 20.93 percent.

Maghaharap sina Isabel at Nathan at ang Celebrity Top 2 na sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion, pati ang tatanghaling Teen Edition Top 2, para sa titulong Big Winner.

Sabay namang lumabas ang tatlong hindi pinalad masungkit ang Top 2 na sina Michael Ver Comaling, Seham Daghlas, at Zach Guerrero noong weekend.

Samantala, nagsimula na rin ang panibagong yugto sa PBB Kumunity dahil umarangkada na ang Big Summer Adventure ng teen housemates ni Kuya.

Ngunit imbes na sa bahay ni Kuya sila papunta, mananatili muna sila sa kabundukan para sa isang camping trip na siksik sa sorpresa at tasks mula kay Kuya.

Tutok lang sa PBB Kumunity Season 10 Teen Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 p.m. ng gabi.

vuukle comment

OGIE ALCASID

VHONG NAVARRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with