^

PSN Showbiz

Male personality, nailipad na ang karelasyon sa ibang bansa

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Hindi na magigiyera ng misis...

Maaliwalas na ang mukha ng isang male personality tuwing luma­labas sa TV. Hindi na mukhang aburido na lumalabas minsan sa segments na nilalabasan sa kanyang programa.

Wala na kasing hadlang sa pakikipagrelasyon ni male personality. Dinala pa niya ang karelasyon niya sa ibang bansa upang hindi magiyera ng asawa.

Pero nananatili na lang sa ibang bansa ang babae. Wala nang balak bumalik sa bansa kahit puwede na silang lumantad sa publiko!

Matagal ding itinago ng dalawang personalidad ang kanilang relasyon at sa tulong ng ilang kaibigan eh naitakas nila ang babae papunta sa ibang bansa!

Allan K, namigay ng branded na jacket

Lumabas ang pagiging generous ni Allan K sa alam niyang nangangailangan.

Sa isang edition sa segment ng Bawal Judgmental, nabanggit ng choice sa araw na ‘yon na nanghiram siya ng jacket para makapunta sa Eat Bulaga.

Agad-agad na ibinigay ni Allan ang suot niyang jacket sa lalaking napili. Hindi pangkaraniwan ang brand pero pagdating sa gamit sa katawan, mamahalin ang gamit niya sa show.

Eh kahapon sa Dancing Kween contest ng Bulaga, nagsabi siyang magbibigay ng premyo sa best back-up dancers dahil sa contest, ang contestant ang siyang bida at secondary lang ang back-up dancers!

vuukle comment

MALE PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with