^

PSN Showbiz

Myrtle, mas malaki ang kita sa paglalaro!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Myrtle, mas malaki ang kita sa paglalaro!
Myrtle.

Iba na talaga ang relasyon ng Kapuso actress Myrtle Sarrosa sa Megasoft Hygienic Products kaya tuluy-tuloy ang pag-endorse niya ng isa sa mga produkto nito ang Sisters sanitary napkin.

Pinapirma siya ng renewal bilang brand ambassador ng Sisters, at pang-anim na taon na niya ito.

Parang magkapatid na nga ang turingan nila ng VP for Sales and Marketing ng Megasoft na si Ms. Aileen Choi-Go.

Tuluy-tuloy ang pagpu-promote niya nito sa online dahil hindi pa muna siya makakapag-ikot sa mga eskuwelahan.

Thankful si Myrtle dahil tuluy-tuloy ang blessings sa kanya na kahit pandemic ay hindi siya nawawalan ng show sa GMA 7.

Bahagi siya sa drama series nina Jennylyn Mercado at Xian Lim na pansamantalang na-hold dahil sa pagbubuntis ni Jennylyn. Pero naniniwala si Myrtle na matutuloy ito pagkatapos manganak ng Kapuso Ultimate Star.

Pero ang isa sa very proud si Myrtle ay ang layo na nang narating niya sa pagiging cosplayer. Hindi lang dito, kundi sa ibang bansa ay nakilala niya sa pagku-cosplay at ang laki ng kinikita niya rito. “Nakakatuwa kasi isa sa mga milestones ko recently, umaabot ako ng 11K viewers pag-i-stream ako. Naglalaro ako ng games. Minsan may viewers sa iba’t-ibang bansa, Meron sa US, sa Malaysia, Singapore, Thailand. Nagugulat na lang ako talaga na nari-recognize na ako sa ibang bansa, for gaming and cosplay na rin.

“Siguro na-appreciate nila ‘yung craft ko na nagagawa ko sa pag-cosplay,” saad ni Myrtle nang mag-renew siya ng kontrata sa Sisters na ginanap sa Anabel’s Restaurant nung nakaraang Martes.

Nakakalaro pa raw niya noon si Alden Richards na nahuhumaling din sa gaming. “Kami dati nina Alden, naglalaro kami sa RO (Ragnarok). Magkaiba lang ng server… ‘yung server kasi magkaiba lang kami ng channel sa game. Sayang hindi kami magkalaro ngayon sa isang game,” pakli niya.

Pero waging-wagi siya pagdating sa cosplaying.

Donita at Ethel, galit sa katamaran ni Super Tekla

Nagparating kami ng mensahe sa manager ni Super Tekla kung puwede naming makapanayam ang comedian/TV host tungkol sa isyu nila ni Donita Nose.

Tumanggi ito. Hindi na raw ito magsasalita tungkol sa problema ng Donekla tandem sa kanilang YouTube channel.

Kahit si Donita ay iniiwasan na ring pag-usapan pa ito dahil nasabi na nga nilang lahat sa kanilang vlog.

Pero sa nakaraang press conference ng grand finals ng Sing Galing na ginanap sa Manila Metropolitan Theater nung nakaraang Martes, bahagyang napag-usapan namin ni Donita ang tungkol sa kasipagan sa trabaho at pagiging professional.

Sinasabi niya sa finalists ng Kantastic Finale na hindi lang sapat ang galing sa kantahan o talent, ang looks, kundi kailangan mo talagang magsipag at mag-focus sa iyong ginagawa.

Tinanong ko nga kay Donita ang tungkol sa pag-i-emote niya sa vlog nila ni Tekla ng pagiging masipag, pagiging professional sa trabaho.

Iyon daw dapat ang isaisip ng baguhang talents na produkto ng Sing Galing. “Lahat ng bagay na ginagawa mo, dapat na pagsikapan mo, at pagtutunan mo ng pansin at panahon, Kasi hindi ka naman maging successful kung hindi ka naman talaga kikilos.

“Kaya itong mga batang ito, malayo ang mararating ng mga ito kasi wala pa silang pangalan, pero sobrang sipag na nila at ‘yun ang importante sa kasikatan.”

Umayon din diyan ang isa sa judges o tinatawag nilang JukeBosses na si Ethel Booba.

Hindi naman niya itinanggi ang mga kalokahan niya noon.

Ang dami rin niyang pinagdaanan, pero masuwerte lang si Ethel dahil lagi siyang nabibigyan ng pagkakataon na makabawi.

Pahayag ng singer/comedienne na gusto rin niyang iparating sa bagong talents ng naturang singing competition; “Ganun talaga. Kailangan sa journey ninyo, kasi dati hindi naman ako nananalo eh. Pero ano lang ako, try lang nang try. Naging stepping stone ‘nyo itong Sing Galing. Kahit hindi pa naman ako celebrity, siyempre meron tayong mga pinagdaraanan din, ganyan. ‘Pag trabaho, i-set aside mo talaga siya, kailangan ibang ano siya, dimension. Tama ba ‘yun? Dapat magkaiba siya. ‘Pag nasa work, nag-iibang anyo ka, ganun! Dapat ayan, sumikat na, dapat ganun pa din, Hindi dapat tinatamad no? Hindi ka dapat tamad, hindi ka nagpapaapekto kapag may pinagdaraanan, kahit may mga kiyeme ka sa katawan. Kapag trabaho, trabaho.”

Excited ang lahat na involved dito sa grand finals ng Sing Galing, ang Original Videoke Kantawanan ng Bansa, na gaganapin sa Manila Metropolitan Theater.

Sa March 5, Sabado ang Ultimate Pa-Sing-Katan na kung saan maglalaban sa kantahan sina Aljur Abrenica, Pepe Herrera, Patrick Quiroz, Boobsie Wonderland, Jerald Napoles at Chuckie Dreyfuss, at makakatanggap ng isang milyong piso ang grand winner na ibabahagi sa kanilang napi­ling beneficiary na tinatawag nilang Bidaficiary.

Sa March 12 naman ang Kantastic Finale para sa baguhang singers na automatic ay magiging bahagi na sila ng TV5 at bibigyan ng break ng naturang network.

vuukle comment

MYRTLE SARROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with