^

PSN Showbiz

Marian, ipakikilala na rin ng Kamiseta!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian, ipakikilala na rin ng Kamiseta!
Marian
STAR/ File

Gusto ko nang makita ang pag-promote ni Marian Rivera ng Kamiseta Skin. Kasi nga for the longest time, associated kay Heart Evangelista ang Kamiseta Apparel kaya parang ang gandang tingnan na ngayon magkasama sina Ma­rian at Heart sa isang campaign para sa isang brand, kahit pa nga magkaiba ang product.

Kahit kelan naman ang followers lang nila ang nagka-issue, dahil sa nakita ko sa dalawa, parang ok naman sila. Kung sakali nga dahil one network sila, sa GMA 7, puwede ring magkasama sila sa isang serye. Bongga siguro iyon. Two of the hottest beautiful faces together in one project, gaya ng pagsasama nila sa Kamiseta.

Hinihintay ko na nga ang presscon ng Kamiseta Skin para makausap na ng press si Marian, at siguro kasunod naman ang presscon ng Kamiseta Apparel for Heart, para rin makausap ng showbiz press.

Bongga talaga si Cris Roque ng Kamiseta sa kanyang endorsers ha, talagang nakuha niya ang mga A-list top endorsers, salute to Cris Roque ng Kamiseta, bongga talaga!

Kris, deserving mahalin

Na-sad naman ako sa balita at confirmation ni Kris Aquino na wala na sila ni Mel Sarmiento. Akala ko pa naman si Mel na ang forever ni Kris, at ito na ang hinahanap niyang ‘the one.’ Matagal-tagal din ang naging relasyon nila kaya inakala na ng marami na ito na nga ang final journey ng lovelife ni Kris, kasal na lang ang kulang.

Hindi mo na rin talaga makuha ang totoong type ni Kris dahil inakala ng marami na dahil mas may edad si Mel siya na ang hinahanap na emotional security ni Kris. Sad ako dahil nakita ko na talagang failing ang health condition ni Kris at parang ngayon niya needed ang emotional crutch to hold on sana.

Kahit feeling ko mas maganda ngayon si Kris dahil iba ang character ng kanyang mukha ngayon, mas gusto ko pa rin na ma­dagdagan sana ang kanyang timbang kahit konti. Saka hindi ba added stress sa kanya ang heartache ng break-up? Baka lalo pa siyang pumayat ngayon kung feeling sad siya sa paghihiwalay nila ni Mel. Parang at this point mas dapat meron siyang katabi sa mga pinagdaraanan niya.

Naku, knowing how strong ang determination ni Kris sa anumang pagsubok, parang kayang-kaya niyang dalhin kung anuman ang emotional state niya ngayon. Sana nga mild lang effect sa kanya ng breakup nila ni Mel para hindi na lalo pang mabawasan ang kanyang timbang.

Stay strong Kris, we love you. Sana meron agad dumating na knight in shining armour, na mukhang Gabby/Robin/James sa buhay mo, hah hah joke joke. Basta kailangan lang ng tunay na magmamahal sa iyo dahil deserving kang mahalin.

vuukle comment

KAMISETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with