^

PSN Showbiz

Janine, wala na sa hitsurang nakipag-split

Pilipino Star Ngayon
Janine, wala na sa hitsurang nakipag-split
Paulo at Janine
STAR/ File

Wala nang trace kay Janine Gutierrez na heartbroken siya o galing sa breakup kay Rayver Cruz.

Sa kanyang isang IG post, nagpo-promote si Janine ng product at teleserye nilang Marry Me, Marry You na sa kuwento ay napatawad na sa wakas ni Andrei (Paulo Avelino) ang inang si Elvie (Cherry Pie Picache) ngayong nagkabalikan na sila ni Camille (Janine Gutierrez) na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Gustong patunayan ni Andrei ang pagmamahal niya para kay Camille kaya kusa na siyang nakikipag-ayos kay Elvie, na ninang din ni Camille. Lumambot na rin ang puso ni Andrei kay Elvie nang malaman niya ang katotohanan tungkol sa mapait niyang nakaraan. Nakipagkasundo kasi si Elvie kay Emilio (Edu Manzano), ang ama ni Andrei, na iiwan niya si Andrei kay Emilio at ang kapalit nito ay babayaran ni Emilio ang panggagamot kay Andrei, na noo’y may malubhang sakit.

 Desidido na rin si Andrei na makaahon mula sa nalugi niyang kum­panya kaya muli niya itong patatakbuhin kasama si Camille. Ngunit wala na siyang balak isama ang best friend niyang si Cedric (Jake Ejercito) dahil sa ginawa nitong pagtatraydor sa kanya.

Naunang lumabas na diumano’y si Janine and nakipaghiwalay kay Rayver at may kinalaman daw si Paulo Avelino.

Love Together...pinusuan ng netizens

Pinusuan ng maraming manonood at netizens ang Christmas station ID (CSID) ng GMA Network ngayong taon na pinamagatang Love Together, Hope Together. Una itong naipalabas noong nakaraang Biyernes, Nov.12.

Bukod sa TV, mapapanood ang 2021 GMA Network Christmas station ID sa official Facebook at YouTube accounts ng GMA.

 In less than 24 hours, agad na umabot sa 1-M views sa Facebook ang nasabing Kapuso video at umani ng magagandang komento mula sa netizens. 

Patok na patok nga at nakaka-LSS ang kanta na may “lala-la-love” at “hoho-ho-hope,” hanggang sa nakakaantig na messages of hope na sinulat ng Kapuso artists at personalities para sa lahat ng mga Pilipino.

vuukle comment

JANINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with