^

PSN Showbiz

Janno nag-emote sa cancelled guesting, Ogie umiyak nang ma-regular sa Showtime

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Janno nag-emote sa cancelled guesting, Ogie umiyak nang ma-regular sa Showtime
Janno
STAR/ File

Kung nagpapasalamat si Ogie Alcasid na regular na siya sa It’s Showtime, masama naman ang loob ni Janno Gibbs dahil na-cancel ang guesting niya suppo­sedly kahapon. Ayon kay Janno hindi niya alam kung bakit nakansela ito.

Emote niya : “Was scheduled to guest on Showtime today to promote Mang Jose. But the guesting was cancelled last night. Hanggang ngayon pa ba naman ABS? Nung Sanggano part 1 alam nyo bang si Andrew at Dennis lang ang pinayagang mag guest. Ako bawal. Nung pinaglalaban niyo ang prangkisa nyo ay nakisimpatya pa ako. Kala ko’y lumambot na ang puso nyo matapos ang inyong mga pinagdaanan. Hindi ba dapat ay nagtutulungan tayo sa hirap ng lagay ng industriya ngayon? Masyado namang matindi ang galit nyo sa akin. Oo kailangan ko kayo at hindi nyo ako kailangan. Ngunit anu ba naman ang ilang minuto para makapag promote lang ng pelikulang malapit sa puso ko.”

Ogie at Showtime Host

Samantalang bongga naman ang pagsalubong kay Ogie bilang bagong miyembro ng It’s Showtime na nagdidiriwang na kanilang ika-12th anniversary ngayong buwan.

Naiyak si King of OPM sa ginawang pag-welcome ng hosts ng noontime show sa pangunguna ni Vice Ganda, mga Kapamilya star(s) na sina Lovi Poe, Janine Gutierrez, mga anak na sina Sarah, Leila, at Nate Alcasid at asawang si Regine Velasquez. “I just want to say God is good. Of course, last year hindi maganda yung year na yun for all of us, lalo na sa akin. Namatay ‘yung tatay ko, but you know what, minsan may plano tayo, pero si Lord may plano pala. Lord, nilagay mo ako dito, pagsisilbihan Kita araw-araw. Pasasayahin natin ang madlang pipol dahil nilagay Niyo ako rito,” saad niya.

Pinangako naman ni Ogie na pasasayahin niya ang viewers araw-araw dahil pinili ng Diyos na ilagay siya sa programa.

Winelcome at pinasalamatan naman ni Vice Ganda si Ogie sa pagpa­yag nito na makasama nila siya araw-araw.

 Kinantiyawan pa ni Regine ang asawa dahil sa pag-iyak nito. Malaking pasasalamat niya sa magandang pagwelcome kay Ogie at panatag ang loob niya na kayang-kayang sumabay ng mister sa masayang pamilya ng It’s Showtime.

Dagdag pa ni Regine na maipapakita ni Ogie ang husay niya sa pagpapatawa bilang host sa show. “Kilala natin ‘yung asawa ko bilang magaling na singer at magaling na songwriter. But it’s also part of him being a really good comedian. For a while, he was not able to do that. Parte ng buhay niya iyon, so ako lang ‘yung pinapatawa niya. Kasi ‘yung comedy nga niya na-supress so dito good luck na lang sa inyong lahat,” sabi niya.

Dating ‘Small Brothers’ sina Ogie and Janno at maaalalang nag-apologize noon si Janno sa kanyang joke after din niyang mag-emote sa social media nang hindi siya nakasama sa Christmas station ID ng ABS-CBN eh kakapirma lang niya ng contract noon sa Star Music. That was 2018 at kung saan kakalipat din ni Ogie that time at reunion nga sana nila ‘yun.

As of this writing ay burado na ang post ni Janno tungkol sa canceled guesting niya sa Showtime.

 Nag-trending naman ang hashtag na #ShowtimeLabindalaWOAH at tagline na Ogie Perfect Paayuda at Toxic Free sa Twitter Philippines.                        

vuukle comment

JANNO

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with