^

PSN Showbiz

Piolo, nangangarap makilala sa buong mundo!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Piolo, nangangarap makilala sa buong mundo!
Piolo.

Napapanood na ngayon sa Netflix ang pelikulang My Amanda na pinagbibidahan nina Alessandra de Rossi at Piolo Pascual.

Nagsimulang gawin ang naturang proyekto bago pa magkaroon ng pandemya. Ayon kay Piolo ay napaghandaan nila ang editing para mas mapaganda pa ang kanilang pelikula. “Actually it took us more time to do post production than principal photography which gave us more time to actually do it right. It was a blessing that we had time to edit it properly. Good thing we waited. Good thing we took our time. Because that’s how films should be done. In this time and age, you™ have one baby, you have this film. You have this great idea, do it right, take your time. And Netflix gave us that time to just make it right. So that it’s tastefully done and hopefully people will like it,” pagbabahagi ni Piolo.

Bukod sa pagiging aktor at film producer ay nailunsad na rin ni Piolo ang sariling record label na Just Music kamakailan.

Nangangarap ang aktor na mas maraming pelikula at kanta pa ang makilala sa buong mundo. “Personally I’d always wanted to showcase Filipino movies to the international market. We go to festivals to sell our films. We spend so much and we don’t get distributed and yet Netflix took a risk getting our film and launching it globally. I feel like we have a voice and that voice needs to be heard globally as Filipino filmmakers. I’m glad they gave us this chance and I hope it would open more doors to Filipino filmmakers to do it in a global perspective,” paglalahad ng aktor.

Charlie, takot mawalan ng trabaho

Nakararamdam ng pressure si Charlie Dizon kapag may mga nakakapansin sa kanya bilang isang maga­ling na aktres. Matatandaang nasungkit ng dalaga ang Best Actress award para sa pelikulang Fan Girl sa Metro Manila Film Festival 2020 at The Eddys.

Ngayon ay muling nagbida ang aktres para sa iWantTFC original series na My Sunset Girl. “Nakakakaba actually, nakaka-pressure din. Ako kasi sobrang grateful ko talaga sa lahat ng dumara­ting sa akin na opportunity. Ang tagal ko din itong inantay and ngayon talaga parang iniisip ko lang lagi na galingan sa lahat ng projects. Kasi nakakatakot kung kelan ulit mawawala. ‘Yon talaga ‘yung lagi kong iniisip,” nakangiting pahayag ni Charlie.

Ayon sa aktres ay nadadagdagan ang kanyang confidence dahil sa mga nakukuhang papuri mula sa mga tagahanga. “Nakakalakas ng loob kapag sinasabihan ako. Feeling ko nakakadag­dag siya ng confidence talaga and kinakabahan din ako. Napi-pressure din, tao lang din ako. Pero sobrang grateful ko sa lahat ng opportunities na dumarating talaga,” dagdag ng dalaga.

Samantala, labis daw na ikinalungkot ni Charlie ang pagkakasara ng ABS-CBN dahil sa kawalan ng prangkisa nito. Mabuti na lamang at nakagagawa pa rin siya ng mga proyekto sa Kapamilya network. “Nakakalungkot talaga ‘yung nangyari sa atin last year. Ako sobrang pangarap ko talaga makapasok sa ABS-CBN noon. No’ng nakita kong nagra-rally and gano’n ‘yung nangyari, sobrang first time ko nakita, sobrang nalungkot ako. Eventually unti-unti tayong nakabangon, nakakagawa pa rin tayo ng project. Kahit wala tayong office ngayon tuluy-tuloy pa rin,” pagtatapos ng aktres. Reports from JCC

 

 

 

 

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with