^

PSN Showbiz

Male personality na yumaman sa serye, maraming nabiktima ng power trip

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ngayong malakas na ang ikot ng kuwento na malapit nang matuldukan ang palabas na pinagbibidahan ng isang male personality ay unti-unti nang naglalabasan ang mga istorya tungkol sa kanyang kakaibang ugali.

Hindi na natatakot ang mga impormante, ano pa nga naman ang kanilang aalalahanin, samantalang malapit nang magtapos ang serye?

Kuwento ng aming source, “Napapansin n’yo rin ba na ang dami-dami nang kuwento tungkol sa kanya sa social media? Dati, e, walang ganu’n, natatakot sila, dahil benggador kuno ang male personality.

“Kapag nalaman niya na si ganito at si ganyan ang nagsasabi ng mga reklamo kontra sa kanya, e, siguradong papatayin agad ang role niya sa palabas! ‘Yun ang ikinatatakot nila.

“Pero ngayong malapit nang magbabu ang palabas, e, wala na silang pakialam, talagang inilalabas na nila ang hindi kagandahang ugali ng male personality!” unang kuwento ng aming impormante.

Malaki kuno ang ipinagbago ng lalaking perso­nalidad na dati’y pa-extra-extra lang sa mga proyekto niya. Pumasok sa kanyang ulo ang popularidad na ibinigay sa kanya ng serye.

Patuloy ng aming source, “Maraming talent (read: extra) ang may sama ng loob sa kanya dahil sa sobrang higpit niya sa taping. Wala na kasi sa lugar ang kahigpitan niya, power trip na ang tawag ng mga kasamahan niya sa mga pinaggagagawa ng male personality!

“Ayaw niyang nagkukuwentuhan ang mga ta­lents samantalang break naman nila. Pinapatayan niya ng electric fan ang magkakagrupong nagkukuwentuhan. Wala lang, trip lang niya!

“Kapag ayaw pa niyang magtrabaho, e, mara­ming naaawa sa mga katropa niya sa kuwento ng serye, nadodoble kasi ang trabaho nila, pero hindi naman nadadagdagan ang talent fee nila!

“Kukunan muna ang mga eksena ng habulan na wala pa sa eksena ang tinatamad na bida. Mahahaba ang mga scenes, habulan kasi. Kapag okey na siya at gusto na niyang magtrabaho, kukunan uli ang mga eksenang ‘yun na kasali na siya!

“May mga close-up na niya, hindi na malalayo ang shots, kasi nga, nandu’n na ang bida! Pagod na pagod ang mga kasamahan niya! Nakunan na, e, kukunan pa uli ang mga eksena ng habulan, dahil nasa mood nang umarte ang kanilang bida!” mahaba pang kuwento ng aming impormante.

Pinayaman ng seryeng ‘yun ang male personality dahil malaki na ang kanyang talent fee, naging mabenta pa siya sa paggawa ng mga commercials, lahat na yata ng produkto ay siya ang nag-eendorso.

Panghuling reaksiyon ng aming source, “Walang forever, alam niya dapat ‘yun, hindi siya habampanahong nasa itaas. Hindi puwedeng palaging dalisay ang kapalaran niya.”

Ubos!

Angelica, pahiya sa frontliners

Ginagawang pulutan ngayon sa social media si Angelica Panganiban. Ginagawa na siyang mapaklang ampalaya ay tinitilad pa siya nang pinung-pino.

May kinalaman ‘yun sa pagpapa-swab test ng kanyang boyfriend na si Gregg Homan sa Subic, mga taga-Red Cross ang namamahala sa testing, nag-post si Angelica ng kanyang mga rek­lamo. Isang oras na raw sila sa parking lot pero mas inuna pa kesa sa kanilang ang mga bagong dating.

Pero nakatagpo ng katapat si Angge, sinagot ng mga frontliners ang kanyang reklamong may palakasan sa pagpapa-swab test, lumabas tuloy ang katotohanan na wala naman pala sa listahan ang kanyang karelasyon pero pinagbigyan na rin ng grupo.

Sabi nga ng makasaysayang litanya ni Melanie Marquez, “You’re barking on the wrong dog!” dahil dapat nga ay magpasalamat pa siya sa mga frontliners, kahit wala naman sa listahan ang kanyang boyfriend.

At nasa kanyang van lang si Angelica, hindi siya naghihintay sa tent na sakdal-init, kaya masyadong nasaktan ang mga kababayan nating frontliners sa kanyang mga reklamo.

Siguro naman ay mulat na mulat si Angelica sa mga nagaganap sa ating bayan ngayong panahon ng pandemya. Itinuturing na bayani ang mga frontliners na nagbubuwis ng kanilang buhay para lang mapagserbisyuhan ang ating mga kababayan.

Ano ba namang nagtiis na lang siya sa paghihintay, lalo na’t wala naman pala sa listahan ng pagseserbisyuhan ang kanyang boyfriend, hindi nga ba naman mema lang ang pinairal ng aktres?

Siya nga ang lumagay­ sa sapatos ng mga front­liners na iniiwan ang kanilang mga pamilya para lang tumupad sa kanilang tungkulin? Siya nga ang maglagay sa kanyang buhay sa indulto, nagde­delikado ang buhay, pero hindi nagrereklamo?

Nakakatawa pero seryoso ang reaksiyon ng kaibigan naming propesor sa pinakabagong hanash ni Angelica, ang kanyang sabi, “Pala­ging nega ang babaeng ‘yan! Walang kasiyahan! Reklamadora!

“Sana, hindi na siya lumaki, sana, forever na lang siyang si Becky ng Princess Sarah!”

Ha! Ha! Ha! Ha!

vuukle comment

ANGELICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with