^

PSN Showbiz

Gerald, nagkaroon ng peace of mind nang umamin

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gerald, nagkaroon ng peace of mind nang umamin
Julia, Scalet nd Gerald
STAR/ File

Unang inamin ni Gerald Anderson sa aming naging panayam kamakailan ang tungkol sa kanilang relasyon ni Julia Barretto. Ngayon ay malaya na umanong nakakakilos ang aktor na kasama ang kasintahan. “Personally it’s something na kailangan ko lang gawin siguro for peace of mind. Parang nabunutan ako ng tinik. After that tuloy lang ang buhay. Merong mas malalaking problema na hinaharap nating lahat kaysa sa ‘yung interview ko. Personally it’s something that I had to do and move on na,” paliwanag ni Gerald.

Sa April 19 ay mapapanood na sa Kapamilya Channel ang teleseryeng Init Sa Magdamag na pinagbibidahan nina Gerald, JM de Guzman at Yam Concepcion.

Para sa aktor ay malaki ang pagkakahawig ng kanyang karakter bilang si Tupe sa personal niyang buhay pagdating sa pag-ibig o pakikipagrelasyon. “Marami akong nasakripisyo din dahil sa pag-ibig. Kaya ako na-attract kay Tupe agad kasi he’s very selfless. Isa siyang community doctor sa bundok. ‘Yung passion niya para tumulong sa iba na mas nangangailangan ng tulong is also one trait na na-attract ako sa kanya. At kung paano siya magmahal, hindi siya ‘yung tao na kailangang isigaw sa buong mundo ‘yung pagmamahal niya sa relationship. Kumbaga alam niya ang gusto niya at gagawin niya ang lahat para akong nakaka-relate sa kanya,” pagbabahagi ng binata.

Arabella, hindi nahirapan sa pagiging high profile ng dyowang si Jimuel

Kamakailan ay napabalitang si Arabella del Rosario na ang bagong kasintahan ni Jimuel Pacquiao. Taong 2019 nang maging Star Magic artist ang dalaga at noon lamang isang taon nadagdag si Jimuel sa malaking pamilya ng naturang talent management firm. “Opo, girlfriend niya po ako. Hindi po kami nag-meet through Star Magic. He got to Star Magic already without us knowing each other yet. Late po kami nagkakilala,” pagtatapat ni Arabella.

Ayon sa baguhang aktres ay maayos naman ang kanilang relasyon ng panganay na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao. Matatandaang naging kontrobersyal ang relasyon noon nina Heaven Peralejo at Jimuel dahil sa pagiging anak ng isang iconic boxing superstar ng binata. “Okay naman po kasi si Jimuel is very, very humble. He doesn’t think of that way talaga po, na high profile siya kasi anak siya ng boxing champion. Wala akong masabi talaga, promise po. He does not think of it at all. Para lang siyang normal na individual. Of course meron pong mga nagpapa-picture and authograph, pero he doesn’t mind naman po and I don’t mind as well. I understand po it’s not really a big deal. It’s not really hard naman po,” paglalahad ng dalaga.

Samantala, napagsasabay ngayon ni Arabella ang pag-aaral at ang pagiging isang artista. “Currently what I’m doing is I’m very focused po with my studies. I am a veterinarian student at De La Salle Araneta. So that’s what makes me busy at the moment as well as meron po akong Kumu stream,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

JULIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with