^

PSN Showbiz

JC, naisipan maging food delivery rider

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
JC, naisipan maging food delivery rider
JC

Hindi naging madali para kay JC Santos ang kawalan ng trabaho dahil sa banta ng covid-19 pandemic noong isang taon. Matatandaang nagpakasal ang aktor kay Shyleena Herrera at nabiyayaan na rin ng isang anak ang mag-asawa. “Ako may inaalagan akong pamilya ngayon. So I think you really have to do something productive,” bungad ni JC.

Naisipan na ng aktor na magbago ng hanapbuhay noon nang mapatigil sa taping at shooting na kanyang nakasanayan. Ayon kay JC ay hindi siya maaaring tumigil sa pagtatrabaho upang masuportahan ang kanyang mag-ina at ang kanilang mga pangangailangan. “Umabot na ako na nagba-browse ako ng motor. Tapos sinabihan ko na ‘yung wife ko na, ‘Magluto ka, ilagay natin sa garapon, ide-deliver ko na.’ Tapos pumunta na ako sa itigil ko kaya muna itong shooting? Kasi kailangan ko din ng pambayad ng bills eh. Doon umabot ‘yung frustration ko pero ‘yung part na I have a newborn and I’m taking care of her. Sobrang nagbago ‘yung mindset ko saka ‘yung emotional side ko, ‘yon ‘yung good side na nangyari sa akin no’ng lockdown,” pagdedetalye niya.

Samantala, masaya si JC dahil maganda ang kinalabasan ng pelikulang Dito at Doon na pinagtambalan nila ni Janine Gutierrez. Napapanood na ang naturang digital film sa pamamagitan ng ktx.ph, iWantTFC, Cinema ‘76@Home, Upstream at Ticket2Me. “No’ng napanood ko the first time sabi ko, ‘Hay! Salamat maganda ‘yung pelikula.’ Medyo natakot ako for a moment pero ayun pala, ang sarap ng feeling pagkatapos,” pagtatapat ng aktor.

Andrea, muntik nang tumigil sa pag-aartista

Mahigit isang dekada nang aktibo sa show business si Andrea Brillantes. Pitong taong gulang pa lamang ang aktres noong nagsimulang umarte sa harap ng kamera. Maraming beses na umanong sumagi sa isipan ng dalaga na itigil na ang pagiging isang artista. “Many, many times kasi hindi naman talaga maiiwasan ‘yon kasi wala naman talagang perfect sa buhay na ‘to. Hindi ko in-expect since I entered showbiz at a young age. Pangarap ko lang naman talaga sumikat no’n. Hindi ko inakala na may mga gano’n pala akong pagdadaanan. At hindi lang siya sa trabaho, personally din. Ang personal life ko hindi lang bilang Andrea, pati bilang Blythe ilang beses na nangamba ako. Gusto ko na mag-give up, nahihirapan na ako,” makahulugang pagbabahagi ni Andrea.

Tanging ang pamilya ang nagsisilbing inspirasyon ng dalaga upang ipagpatuloy pa at pagbutihin ang bawat trabahong ginagawa. “Sobrang lakas lang talaga ng fighting spirit ko para sa pangarap ko at sa tuwing iisipin ko lang ‘yung family ko na hindi ito ‘yung buhay na gusto ko para sa family ko buong buhay nila. Ayoko na puro lang kami rent, na kahit ang bigat-bigat na, madalas hindi ko na alam kung paano ko gagawin ito. Nangingibabaw pa rin ‘yung motto ko sa life na isang beses ka lang mabubuhay at ayokong mabuhay na nagsisisi. Ayokong mabuhay na hindi ko magawa ang gusto ko sa iisang life ko. ‘Yung pangarap ko na house for my family na mas kuntento na ako and mas kaya ko na tanggapin ‘yung blessing ni Lord,” paglalahad ng aktres. Reports from JCC 

vuukle comment

JC SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with