^

PSN Showbiz

'Scariest 3 weeks': Cherry Pie Picache ikwinento ang paggapi niya sa COVID-19

James Relativo - Philstar.com
'Scariest 3 weeks': Cherry Pie Picache ikwinento ang paggapi niya sa COVID-19
Litrato ng aktres na si Cherry Pie Picache matapos gumaling mula sa kinatatakutang COVID-19
Mula sa Instagram ni Cherry Pie Picache

MANILA, Philippines — Masayang ibinalita ng aktres na si Cherry Pie Picache ang tuluyan niyang paggaling mula sa kinatatakutang coronavirus disease, bagay na isa raw sa pinakamasakit at nakakatakot na kanyang pinagdaanan sa kanyang buhay.

Ito ang kanyang ibinahagi sa kanyang mga fans, Huwebes, matapos tamaan ng pathogen kasabay ng pneumonia.

"To each of my prayer warriors, my family and dearest friends, my Dreamscape and ABS-CBN family, doctors, you know who you are," wika ng aktres sa kanyang emosyonal na Instagram post kahapon.

"I will forever be thankful, grateful and I am blessed to have all your love, support and help in one of my yet again, tough, painful and scariest 3 week battle. Kahit po naging matigas ang ulo ko dahil ayaw pahospital."

Aniya, hindi pa siya sigurado kung ipapaskil niya ang kanyang pinagdaanan noong una. Gayunpaman, ibinahagi pa rin niya ito dahil maaaring makapagbigay ito ng pag-asa at inspirasyon sa iba pa.

Paraan na rin daw niya ito para magpasalamat at kung paanong "napagaling siya ng pananampalataya sa Diyos."

Hindi rin daw siya pinabayaan ng anak na si Antonio Picache Tria, na labis siyang inalagaan noong siya'y may COVID-19 pa.

"Anak, I am a blessed mother for having such a patient, loving, kind son. Thank you for taking good care of me. I know ‘twas not easy @niotria," sabi niya sa anak na tennis player.

Paalala tuloy ng award-winning actress sa lahat, patatagin ang immune system, sumunod sa health protocols at palagiang magsuot ng face mask.

Isa lamang si Cherry Pie sa mga local showbiz personalities na dinapuan ng COVID-19 sa mahigit isang taong quarantine ng Pilipinas. Kasama na siya sa lumalaking listahan ng mga artistang nag-recover mula rito katulad nina Christopher de Leon, Iza Calzado, Ramon "Bong" Revilla Jr., Sylvia Sanchez at marami pang iba.

Sa huling taya ng Department of Health, umabot na sa 702,856 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 13,149 na ang namamatay.

vuukle comment

CHERRY PIE PICACHE

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with