^

PSN Showbiz

'Hanggang kailan magtitiis?': Janine Gutierrez banas sa gov't COVID-19 response

Philstar.com
'Hanggang kailan magtitiis?': Janine Gutierrez banas sa gov't COVID-19 response
Litrato ng Kapamilya actress na si Janine Gutierrez
Mula sa Instagram account ni Janine Gutierrez

MANILA, Philippines — Hindi na lang si Liza Soberano ang vocal sa pagkapika sa itinatakbo ng coronavirus disease (COVID-19) response ng gobyerno sa nakaraang isang taon — sinamahan na rin siya ng kapwa Kapamilya actress na si Janine Gutierrez.

Natataon ang komento ng aktres ngayong nagpapatupad ng bagong lockdowns, curfews at "NCR Plus bubble" restrictions sa Metro Manila at mga karatig na probinsya, dahilan para mahirapan ang ilan kumilos at magtrabaho.

"[N]apaka-walang malasakit naman. [I]sang taon nang nagtitiis ang mga Pilipino. [I]mbis na magbigay ng solusyon, ang maipapayo mo ay mag-tiis parin at wag magreklamo?" 

"[H]anggang kelan? [M]asunurin at maintindihin ang Pinoy. [K]ung meron lang sanang matinong maaasahan."

 

 

Hindi naman naiwasan ng aktres na sagutin ang ilang netizens, na animo'y nagdo-downplay ng sitwasyon kumpara sa mga ibang bansa. Sabi kasi ng Twitter user na si @kael1128, hindi lang Pilipinas ang hirap na hirap ngayong sumisipa uli ang mga COVID-19 cases sa Pilipinas, buong mundo raw.

 

 

Ipinagtanggol naman si Janine ng ilan gaya na lang ni @ComplexClara, habang sinasabing sila-sila nina Liza, Janine at Angel Locsin daw ang dapat iniidolo ng mga kabataan sa ngayon.

 

 

Lunes lang nang manawagan ng dagdag ayuda at pagpapabilis ng COVID-19 vaccine para sa mahihirap si Liza, lalo na't walang social amelioration program (SAP) sa kasalukuyang serye ng lockdowns. Sa Amerika raw kasi, nakakatatlong stimulus na ang mga residente habang hindi makalabas ng bahay ang mga Pinoy para kumayod.

Basahin: Liza Soberano binanatan 'kawalang suporta' sa mga dukha ngayong lockdown

Kaugnay na balita: Janine Gutierrez explains ABS-CBN move despite franchise non-renewal

Ayuda at saan ito pwedeng kunin

Ngayong Miyerkules lang nang igiit ng economic think tank na IBON Foundation ang P1.5 trilyong budget mula sa gobyerno para sa "genuine recovery" sa panahon ng pandemya.

Kasama rito ang P10,000 cash subsidies para sa 18 milyong low-incoime families sa susunod na tatlong buwan. Kasama niyan, dapat aniya bigyan ng P101 bilyon ang mga micro, small & medium enterprises (MSMEs) para pondohan ang wage increase ng kanilang mga manggagawa na aabot sa P100 kada araw sa susunod na tatlong buwan.

Nagtukoy naman sila ng ilang pagkukunan ng pondo ng gobyerno gaya ng pag-iisyu ng P300-500 bilyong emergency bonds mula sa mga malalaking kumpanya at mayayamang pamilya — bagay na makakalikom daw ng P1 trilyon. Maliban pa 'yan sa pagre-realign ng P1.1 trilyong budget sa infrastructure at P1.8 trilyon mula sa debt servicing. 

Wika pa ng IBON Foundation, pwedeng magpatupad ng wealth tax, pagbabalik ng estate taxes at donor's taxes sa "pre-TRAIN law levels," pagtataas ng income tax ng 2.5% pinakamayayamang pamilya at 2-tiered CIT scheme. Sa ganoon, makakalikom daw ng dagdag na 391.9 bilyon ang gobyerno para sa COVID-19 response. — James Relativo

vuukle comment

COMMUNITY QUARANTINE

JANINE GUTIERREZ

LIZA SOBERANO

LOCKDOWN

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with