^

PSN Showbiz

Dating sikat na aktor, pumapayag na kahit ex-deal na endorsement

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Kung ang tsismis noong araw ay may mga commercial endorsements daw na nawala sa isang male star noong panahon ng kanyang kasikatan dahil sobra kung mag-presyo ang tatay niya, ngayon naman ang tsismis ay bagsak presyo na raw siya at nakikipag-agawan pa ng endorsements maski na sa mga baguhan. Pumapayag na raw siya kahit na exchange deal lamang ng mga produkto na ibinebenta naman on line ng tatay niya.

Napakasakit tanggapin para sa isang artista na nakaranas noong sumikat kahit na papaano, tapos inabot nga ng tuluyang pagkalaos. Mahirap tanggapin iyon, lalo na’t may mga chuchu namang nagsasabing sikat pa siya. Pero isang mapait na katotohanan nga iyong kahit na magbagsak ka na ng talent fee mo, wala pa ring kumukuha sa iyo, at kung minsan mas pinipili pa iyong baguhan kaysa sa iyo.

Masakit talaga ang malaos.

Bata at matatanda, malabo pang makarampa!

The good news is bubuksan nang muli ang mga sinehan, at maging ang mga concert venues. The bad news is, ipatutupad pa rin ang quarantine restrictions.

Ibig sabihin, iyong mga bata ay hindi pa rin puwede sa mga sinehan. Iyong mga may edad na, lalong hindi puwedeng manood ng sine, at ang age bracket na pinagbabawalan nilang manood ng sine o lumabas ng bahay, ‘yan ang mahigit sa kalahati ng movie patrons.

Kaya ang mga producer, hinahabol ang rating na G, o kaya ay PG 13, dahil napakalaking market iyan ng sine. Kung pag-aaralan ninyo ang MMFF, ang kumikita ay comedy dahil nanonood ang mga bata. Kaya kung iyan ang pagbabatayan, magbukas man ang mga sinehan, baka malabo pa ring kumita.

Isa pa, ang mga pelikulang Pilipino na nagawa at maaaring ipalabas ay pang-internet lamang. Walang malalaking artista, wala iyong mga klaseng pinipilahan sa mga sinehan.

Sa tingin ba ninyo, may manonood ng mga pelikulang pang-internet lang sa sinehan?

Ang isang magandang i-consider, kumita ba ang mga pelikula nang natapos na MMFF at ipinalabas sa mga sinehan sa probinsiya? Hindi ba nangamote rin silang lahat?

Isa rin namang katotohanan na marami pa rin ang takot lumabas kahit na sabihin pa nilang mayroon nang bakuna. Eh takot nga ang tao sa bakuna eh.

Bagama’t ikinatutuwa namin ang unti-unting pagbabalik sa normal, at ang pagbubukas ng mga sinehan ay isang bahagi nga niyan, hindi namin alam kung ano nga ba ang kalalabasan.

Baka kagaya rin iyan ng maraming restaurants na kung kailan pinayagang mabuksan, nagsara pang lalo dahil wala namang kumakain.

Dalawang bagay ang dahilan, takot pa ang mga tao, o wala silang pera dahil wala naman silang trabaho.

Mukhang kailangan na nga nating tanggapin na matapos ang halos isang taong lockdown, hindi na magiging normal ang buhay natin. Sa kabila ng magandang intensiyon at sa ating mga panalangin, mukhang mahirap makabawi sa ating kinasadlakan.

Natutuwa lang kami na iyong maraming mga tao sa sinehan, mga takil­yera, portera, projectionist, at maging ang maintenance crew ng sinehan ay magkakaroon na ulit ng trabaho. Pero magbubukas ba ang mga sinehan araw-araw, o kung weekends lang gaya ng ginawa ng mga sinehan sa probinsya dahil walang nanonood?

Angel, hindi na inaalagaan ang katawan

Hindi po kami pabor sa body shaming. Naniniwala kami na iyong mga salitang “ang taba-taba mo”, o iyong kagaya ng comment sa isang female star na “ano iyan balyena”, at kung anu-ano pa ay hindi tama. Pero kailangang maunawaan din naman ng mga artista na kailangang maganda silang tingnan ng kanilang fans.

Hindi namin ikinakaila na kinikilala naming isa sa ating mahuhusay na aktres si Angel Locsin. Pinaniniwalaan din naming isa siya sa pinaka-magandang aktres natin. Pero inaamin din naming disappointed kami sa ilang naglalabasang picture ni Angel sa social media.

Siguro nga hindi siya masyadong concerned sa kanyang katawan dahil wala pa naman siyang ginagawang projects. Pero sana maiwasan muna ang pagkalat ng mga picture niya sa social media lalo’t kung hindi nga siya handa.

Kailangang isipin niya ang kanyang image bilang isang aktres. Alalahanin niya na siya ay leading lady at hindi naman comedian kaya kailangan ingatan naman ang hitsura niya.

vuukle comment

AKTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with