^

PSN Showbiz

Ian ‘di pa rin kayang makaharap si John Rendez, pagkikita nila ni Nora ayaw gawing showbiz

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ian �di pa rin kayang makaharap si John Rendez, pagkikita nila ni Nora ayaw gawing showbiz
Ian de Leon

Sinagot na ni Ian de Leon ang isyung ‘di pagsipot sa inihandang birthday dinner ng kanyang Mommy na si Nora Aunor sa Alfredo’s restaurant nung nakaraang Biyernes, December 11.

Nagsalita si Ian sa kanyang YouTube channel noong Linggo ng gabi na pinamagatan niyang The Bitter Truth na may habang 38 minutes and 18 seconds.

Hindi nagbanggit si Ian ng pangalan kung sino ang tinutukoy niya sa inilambing ng Mommy niya noong nagka-text sila noong Huwebes ng gabi.

“What happened was the night before nag-message kami…ito para sa mga nakakaalam, para sa mga nakakaalam, para sa mga nakakaintindi, nagmamahal talaga nang totoo at umuunawa. ‘Yung message ni Mommy ayokong maglaglag, hindi ako nanlalaglag. Gusto ko lang sabihin ang totoo.

“Anak, sabi niya, ‘favor naman? Sagutin mo ako nang totoo, sagutin mo ako nang galing sa puso mo. Maiintindihan ko kahit anuman sagutin mo kasi gusto ko, special ang kaarawan mo. Tapos sumunod doon, may gusto siyang ipapunta na tao.

“Sagot ko, ‘sorry Ma. I don’t think na magiging comfortable kami. Ang doon lang sa mga nakakaalam, sa mga nakakaalam talaga, alam n’yo na ho iyon.”

Halos iisa lang ang nasa isip namin kung sino itong tinutukoy ni Ian. Si John Rendez na nakaaway pa niya noon.

Pero binanggit naman ng aktor na nakakapagpatawad na raw siya.

Ang haba nga ng pahayag niya sa pagpapatawad ng Diyos kahit anong hirap at sakit ang pinagdaanan ay nakakapagpatawad.

Ang gusto lang daw sana ni Ian ay hindi na i-showbiz ang mahalagang araw na iyon sa kanilang pamilya.

Nasaktan lang daw siya na pagkatapos ng pag-uusap nila ay nag-text daw ang Mommy niya na nagpaalam kung puwede raw i-vlog ang pag-uusap nilang dalawa. “We had all the chances before na mag-get together. Sa birthday ko, we had all the chances na I told you. Ma, magkakaapo ka na. Ma, first birthday niya. Binyag ni Jordan Ma. Gusto kong sabihin ngayon, sinasabi ko na dahil hindi ko na kaya. Siguro ikamamatay ko kapag hindi ko pa sinabi ‘yung totoo dahil ang bigat na,” maluha-luha nang pahayag ni Ian.

Ang hiling na lang sana ni Ian ay magkausap daw sila ng masinsinan ng kanyang ina. Silang dalawa lang at wala ‘yung mga taong nakapaligid sa kanyang ina. “Itong Christmas, hiling ko lang. Ma, mag-usap tayo nang masinsinan. Yung tayo lang please, kahit over the phone, basta mag-heart-to-heart talk. Walang camera, wala. Tayo lang, intimate. Iyan ang promise mo before my birthday. Ma. You told me na, ‘Promise, anak, tayo-tayo lang,” saad ni Ian.

Ang hiling din niyang maalagaan, maipadama nilang magkakapatid ang pagmamahal sa kanilang ina, mailalambing nila ito at magkaroon ng sapat na panahon para sa kanyang mga apo.

Nagpasalamat siya sa inihandang birthday dinner ng kanyang ina, at naiyak pa raw siya nang makita ang birthday cake na nakasulat ‘Happy birthday Ian, from Mommy.’

Pero ang gusto raw sana niya sa susunod niyang kaarawan ay hindi si Nora Aunor ang makasama nila kundi ang kanyang Mommy, si Nora Cabaltera Villamayor. “Ang hiling ko, hindi magarbong hand, hindi cake, ang hiling ko Ma, maging Nora Cabaltera-Villamayor ka, hindi Nora Aunor,” madamdaming pahayag ni Ian.

Nagsalita na sa hiwalayan nila ni Andrea, Derek umaming nag-iingat sa pakakasalan!

Pagkatapos ng breakup nina Derek Ramsay at Andrea Torres, nagsalita na rin ang Kapuso actor pero hindi lang idinetalye ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Andrea. Nagpa-interview si Derek sa radio program ni Morly Alinio sa DZRH noong nakaraang Linggo ng gabi at moving on na ang pinag-usapan.

Ipina-bless na niya ang kanyang bagong bahay sa Ayala Alabang noong birthday niya kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan.   

Sinabi nga niyang ano naman daw ang gagawin niya sa bahay niyang iyon kung wala siyang makakasamang sariling pamilya, kaya gusto na raw sana niyang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.

Kaya nagtataka raw siya sa mga taong nag-iisip na siya ‘yung taong hindi marrying type. “Siguro sa mga role na pinortray ko it gives me that image. Pero if you go back and look at my interviews, kapag tiningnan n’yo ang IG ko, ‘pag tiningnan n’yo ang private life ko, everything is my family. Kaya hindi ko nga maintindihan kung bakit iniisip ng mga tao na hindi ako yung marrying type,” pakli ni Derek.

“Like I said, I have the perfect example to follow which is the marriage of my parents. Ayokong magkamali. ‘Yun lang ‘yung gusto ko. I’ll take my time, ang daming mga relationships diyan na nauuwi sa kasal tapos nauwi rin sa hiwalayan, ayoko ‘yun. Gusto ko pag magkaroon ako ng pamilya, iyon na ‘yung priority ko sa buhay. Like I said, kapag nasa showbiz ka mahirap.

“Sobrang na-admire ko ‘yung mga showbiz couples na nagpapakasal, hindi ko alam kung paano nila ‘yun nagagawa. Pero kilala mo ang sarili ko na kapag may pamilya na ako, iyon na talaga ang i-prioritize ko.

“So, nag-ipon ako, nagpagawa na ako ng bahay. I’m ready for that chapter of my life. Malapit na ‘yan,” dagdag na pahayag ng Kapuso actor.

Ngayong linggo ay may ipi-pitch na raw ang GMA 7 sa kanya na programang gagawin niya. So, ang ibig sabihin nito, malabo na ang Sanggang Dikit nila ni Andrea dahil may Legal Wives na rin ang sexy actress.

vuukle comment

IAN DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with