^

PSN Showbiz

14 official housemates ng PBB, madadagdagan pa

Pilipino Star Ngayon
14 official housemates ng PBB, madadagdagan pa
PBB House
STAR/ File

Opisyal nang nagbukas ang Bahay ni Kuya noong Linggo (Disyembre 6) para sa Pinoy Big Brother Connect na agad naging trending topic sa Twitter dahil sa pasabog na opening number nito at sunud-sunod na rebelasyon ni Kuya.

Sinorpresa ni Kuya ang 12 official housemates dahil agad siyang nagbigay ng task para masubok ang galing at diskarte nila bilang grupo. Nagtagumpay naman ang housemates sa unang task, kaya nagkaligtas sila sa unang nomination night.

Sinundan ito ng isa pang pasabog na siyam na housemates lang ang makakapasok sa loob ng bahay. Tatlong housemates ang maiiwan sa isang isolation area sa garden. Napili nina Kyron Aguilera (Ang Shy Biker Boy ng Butuan) at Mika Pajares (Ang Single Momshie-Kap ng Bataan) na pinangalanang heads of household sina Andrea Abaya, Crismar Menchavez at Ella Cayabyab na matulog sa isolation area.

Bukod dito, may tatlo pang housemates ang papalaring makapasok. Sa unang pagkakataon sa PBB, may kapangyarihan ang outside world sa pagpili ng tatlong mapipiling housemates mula sa 117 na aspirants sa Kumu na magla-livestream simula Disyembre 6.

Ang aspiring housemates na makakatanggap ng pinakamaraming virtual gifts ang magpapatuloy sa next round hanggang sa tatlo nalang ang matira na tatanghaling dagdag na official housemates.

Para laging maka-kunect ang Kumunity sa  PBB Connect, handog din ng PBB at Kumu ang 24/7 livestream at apat na camera na naka-set up sa loob ng bahay. Puwedeng pumili ang viewers ng camera para matingnan ang mga ganap sa loob ng bahay anumang oras. Pati voting ay magaganap na rin sa Kumu.

Bago pa man pumasok ang bagong housemates, una nang nagbigay ng tour sa bagong bihis na Bahay ni Kuya ang mga host na nabigyan pa ng task na idisinfect ang bawat sulok ng bahay bilang parte ng health and safety protocols ng programa. Sumailalim rin ang mga host, housemates at staff ng programa sa RT-PCR swab testing upang masigurado ang kaligtasan ng lahat.

Kakaiba man ang premiere ng “PBB Connect” dahil walang live audience na sumasalubong sa mga bagong housemate, naging mainit at masaya pa rin ang gabi dahil sa enggrandeng opening dance number nina Kim, Maymay, MNL48, SHA Boys at BINI. Kalaunan ay humataw na sa Twitter ang official hashtag na #PBBConnectXmasSalubong.

Kailan kaya makakapasok ng bahay ni Kuya ang natitirang tatlong official housemates? Sino-sino kaya sa 117 aspiring housemates sa Kumu ang makakabihag sa puso ng Kumunity?

Abangan ‘yan sa PBB Connect sa primetime, 8:30 p.m. sa A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC  at ABS-CBN Entertainment Channel.

vuukle comment

PBB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with