^

PSN Showbiz

Richard, sabik makauwi

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Richard, sabik makauwi
Richard at Sarah
STAR/ File

Kahapon ay nag-message sa akin si Richard Gutierrez para mangumusta. Nabalitaan kasi ni Richard habang nasa lock-in taping siya ng FPJ’s Ang Probinsyano ay naoperahan ako.

After ng kumustahan namin, tinanong ko si Richard kung nasa bahay na ba siya at kasama ang mag-iina niyang sina Sarah Lahbati, Zion at Kai dahil ang sabi niya noong una sa akin ay hanggang December 8 lang ang lock-in taping nila. “No, I’m still here sa location taping namin. Extended ng one week ang taping. Ilang beses din kasing bumagyo, kaya one week pa kami rito,” sabi ni Richard.

Bale hanggang sa Monday pa raw sila sa Batangas. Ok lang naman daw dahil hindi naman maiwasan na ma-extend sila.

Mukhang sobrang nami-miss naman ni Sarah ang kanyang mister, kaya nag-post siya kahapon ng family picture nila na ang caption ay – “Few more days to until we’re all together.”

Sinagot naman ‘yon ni Richard ng, “Can’t wait to be home my love.”

Naki-join naman si Ruffa Gutierrez at sinabing, “Sweet!!!”

Tsinika nga pala sa akin ni Ruffa na nagpaplano sila ng get-together na sila-sila lang bago mag-Christmas.

Baka mag-beach nga raw sila since lahat naman sila ay mahilig doon.

Naku, Ateng Salve, iba pa rin talaga ang family bonding lalo na ngayong malapit na ang Christmas, huh!

Sana, gumaling na rin ako at maka-bonding ko na uli kayo ni Manay Lolit Solis!

Janine at Rayver, magkasamang magpa-Pasko

Kung nasa Batangas si Richard, si Janine Gutierrez naman, sa Tagaytay City naka-lock-in shooting.

Ginagawa ngayon ni Janine ang Dito at Doon movie with JC Santos at doon nga ang location nila.

Bale hanggang December 20 sila roon at saka uuwi para naman makapag-spend ng Christmas kasama ang family nila.

Of course, kasama ni Janine sa Christmas ang love niyang si Rayver Cruz.

Siyanga pala, speaking of her Dito at Doon movie, sobrang happy raw ang aktres sa project na ‘yon dahil dream daw talaga niya na makapag-work with TBA Studios.

Ang Dito at Doon ang latest project ni Janine after na manalong best actress kamakailan sa Gawad URIAN para sa pelikulang Babae at Baril.

Ang bongga! ‘Yun na!

vuukle comment

FPJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with