^

PSN Showbiz

Hunk actor na alaga ng bakla, makaka-lock-in ang kanyang ‘baby’

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Inaayos na pala ngayon ang pagbabalik-taping ng isang drama series na  kung saan kasama  si hunk actor at ang aktres na mas matanda sa kanya ng ilang taon.

Minsan ay natsismis silang dalawa, pero hindi nila sinagot ang intrigang ito at hindi na pinalaki.

Pero ewan ko lang kung hindi na sila uli mapapag-usapan dahil muli silang magsasama sa taping at this time, naka-lock in na sila ng ilang linggo. Mas madaling matukso at puwedeng matsismis sila ulit dahil ang nakarating na kuwento sa amin, patuloy pa rin ang kanilang relasyon.

Hindi lang makaporma nang husto si hunk actor dahil may mga magri-react at maapektuhan.

May ka-loveteam si aktor na pinangangalagaan at higit sa lahat, hindi ito magugustuhan ng mayamang gay benefactor.

Kaya nga pinag-uusapan na raw kung ano kaya ang gagawin ni gay benefactor kapag mag-resume ang taping at alam niyang magkasama roon si pinakamamahal na hunk actor at si aktres. Hindi kasi madi-deny ni aktor ang tungkol sa kanila ni aktres dahil nabasa pa noon ni gay benefactor sa telepono ni hunk actor ang text ni aktres na “hi baby”.

‘Yun na!

Dingdong at Marian mas piniling gumawa ng short film kesa mag-costume sa Halloween

Hindi ko napigilang maluha sa ginawang short film ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na ipinost nila sa kani-kanilang Instagram account. Ito yung alay nila sa namayapang driver ni Marian na si Jojo Paredes.

Ikinuwento ni Marian noong nakaraang Miyerkules sa mediacon ng programa niyang Tadhana kung gaano niya dinamdam nang husto ang pagpanaw ng kanyang driver nung nakaraang taon.

“Pag may nangyayari kasing hindi maganda sa akin o whatever na mangyari sa buhay ko…pagdating kasi sa mga ganun hindi ako masyadong ma-public eh. Hindi ako ma-post talaga. Mas gusto ko personal na sa akin na lang na kapag nagdadalamhati ako hindi ako nagpapaawa effect. Sorry for that term. Pero hindi talaga ako ganun na tao eh,” pakli ng GMA Primetime Queen.

Kaya pala hindi nag-costume ang mag-asawa noong nakaraang Undas dahil mas gusto nilang iba ang pagdiriwang ng Halloween lalo na’t isang taon nang pumanaw ang matagal ng driver ni Marian.

Si Zia lang ang nag-costume ng Princess Jasmine dahil kailangan sa school nila. Pero nag-alay sila ng isang short film kasama ang mga kasambahay nila. Pinag-uusapan nila kung gaano kagusto ni Jojo ang spaghetti na luto ni Marian.

“Siguro maraming paraan para mabigyan natin sila ng pagmamahal. Kahit na wala na sila, kasi sabi ko nga dahil malaking parte sa buhay ko si Kuya Jojo, gusto kung i-share sa lahat na kahit wala na siya, forever siyang nasa puso at isip ko at isi-celebrate ko na nag-one year na siya na kasama niya si Lord.

“Sabi ko nga, may guardian angel ako sa taas na lagi akong ginagabayan pati yung mga anak ko. Ang hirap na hindi namin akalain na inabot na siya ng isang taon,” patuloy na pahayag ni Marian.

Samantala, si Dingdong ang direktor ng mga spiel ni Marian para sa Tadhana na nagdidiwang ngayon ng kanilang third anniversary.

Napapanood ito tuwing Sabado 3:15 ng hapon, at ngayong taon ay mas light daw ang kuwentong ilalahad nila pero nagbibigay ng puso at inspirasyon sa mga manonood lalo na sa ating mga OFW.

vuukle comment

HUNK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with