^

PSN Showbiz

Aktor nasobrahan ng husay sa datung, Kapamilya pinatos

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pagdating sa negosyo ay sumasaludo ang mga kababayan nating matagal nang naninirahan-nagtatrabaho sa iba-ibang bansa sa isang pamosong male personality na parang pusa na maraming buhay.

Magaling siyang pumaraan, punumpuno ng kahenyuhan ang kanyang utak pagdating sa pagkakaperahan, siya pa ang nagtuturo sa mga show producers kung ano ang gagawin kapag tumatanggap siya ng trabaho.

Kuwento ng aming source, “Hindi siya ang tipo ng personality na pagkatapos malaman ang venue, ang talent fee niya sa show, e, hanggang du’n na lang ang participation niya.

“Ganu’n ang mga personalities natin, wala na silang pakialam sa gagawing strategy ng producer kung paano ibebenta ang concert nila. Basta alam na nila ang TF nila, tapos na ‘yun!

“Pero ibahin natin ang business-minded na male personality na ito. Pati ang ipagagawang promo materials, e, sa kanya dumadaan! Siya ang gumagawa ng mga catchy lines para magkainteres ang mga kababayan natin na panoorin ang concert niya!

“May time siya talaga para sa pakikipag-coordinate sa mga producers, walang kahirap-hirap ang mga namumuhunan sa show niya, dahil parang spoon feeding na ang ginagawa sa kanila ng male personality!

“At nagtatagumpay siya sa ganu’n, maliit man ang mga venue ng shows niya, e, kumikita ang mga prodoo!” unang sultada ng aming impormante.

Hindi siya singer, natuto lang siyang kumanta dahil sa mga promo ng mga ginagawa niyang pelikula, pero pinakinabangan niya ‘yun nang matagal na panahon.

Patuloy ng aming source, “Ang pinakaimportanteng hinihingi niya sa mga producers para sa kanyang sarili, e, ang pagbebenta ng mga CD niya sa venue.

“Ano ang laman ng CD niya? Wala siyang recording contract, hindi naman kasi siya singer, wala rin siyang pinasikat na kahit anong kanta. Pero teka lang naman muna, maparaan ang male personality na ito!

“Nagre-record siya ng mga kantang gusto niya, maraming songs ‘yun, meron siyang recording engineer kapag ginagawa niya ang mga ‘yun!

“At ang isa pang pinakamahalaga, ang photo opportunity, five dollars ang singil niya sa bawat makikipag-pose sa kanya, kaya n’yo ‘yun?

“Siya ang nag-iisip nu’n, may kaibigan lang siyang kinomisyon para tagatanggap ng bayad at tagasukli, di ba naman ang galing-galing talaga niyang pumaraan?

“Business minded talaga siya, kaya ayun, sa sobrang pagiging negosyante niya, e, hinahabol siya ngayon ng mga kapamilya niya sa pagbebenta ng property na sinolo niya!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

ubos!

Debate ng pangulo ng Amerika at kalaban, tinutukan

Ilang gabi na kaming puyat. Madaling-araw na kaming natutulog dahil sa pagsubaybay sa unang presidential debate ng mag-aagawan sa panguluhan sa Amerika sa November 3.

Ang nakaupong pangulo na si President Donald Trump at si dating vice-president Joe Biden. Nakakainis ang mga atake ng kasalukuyang pangulo, puro pambabara ang kanyang ginagawa, puro pang-iinsulto, sabat nang sabat habang ginagamit ni Joe Biden ang kanyang dalawang minuto.

Sa sobrang inis ng kalaban ay nakatikim tuloy ang pangulong hindi naniniwala sa paggamit ng facemask, “Will you shut up, man!”

Nakakainis naman talaga ang mga banat ng pangulo nila, kaya pati ang ina ng maga-ling na news anchor na si Don Lemon ay nag-text, wala na raw Amerikanong hindi pa nakapagpapasya ngayon kung sino ang iluluklok nilang pangulo sa November 3.

Ang pakikinig daw sa mga argumento ng kanilang pangulo ay parang pakikinig sa isang taong nakapailalim sa bisyo ng droga. Nang magpa-survey ang CNN kung sino sa dalawang magkalaban ang panalo sa debate ay pinakain ni Biden ng alikabok si President Trump.

Milya-milya ang layo, lalo na sa balwarte ng mga African-American, alam ‘yun ni Trump kaya binabarubal na lang niya ang pakikipagdebate kay Biden.

Pikon ang pangulong lumalabas nang walang facemask, hindi raw kasi siya makahinga nang maayos, kaya sumisigaw ang mga Black American na paano na lang ang pinagdaanan ni George Floyd na tinukuran ng Puting pulis sa leeg kaya namatay?

Pikon na ay patolah pa ang pangulo ng Amerika, nang magpalakpakan at magsigawan ang mga nakapanood ng debate para kay Joe Biden ay pumatol siya, “This is not yet time to celebrate!”

Aabangan namin ang ikalawang yugto ng kanilang debate. Baka naman umayos na si Pa-ngulong Donald Trump dahil mag-asawang sampal ang lumagapak sa kanyang pisngi sa kinalabasan ng survey na 64-36%.

Napakainteresado rin namang matutukan ang pakikipagdebate ng babaeng African-American na tatakbo sa pagiging bise-presidente na si Kamala Harris.

vuukle comment

UBOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with