^

PSN Showbiz

Bea, Nageexpect ng bonggang 2021

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Bea, Nageexpect ng bonggang 2021
Bea
STAR/ File

Maganda ang pananaw ni Bea Alonzo, nang sabihin niyang naniniwala siyang malalampasan nating lahat hindi lamang ang pandemyang ito kundi kung anumang hindi magandang dulot nito sa ating hinaharap.

Sabi ni Bea sa kanyang post, “Ilang buwan na lang at 2021 na.” Naniniwala siyang sa susunod na taon ay muli ngang magsisimulang bumangon ang Pilipinas mula sa pagkakalugmok nito ngayon, at ang sabi pa niya “Ten years from, now, we can look back at 2020 and say, Hey bitch I survived.”

Iyan naman ang mahalaga sa ngayon eh, hindi iyong puro na lang reklamo at kalungkutan sa buhay ang ating iniisip.

Hindi rin natin maikakaila ang katotohanan na may mga nagbabalak na nga nang masama sa kanilang sarili dahil sa matinding frustration sa mga nangyayari ngayon.

Marami na ang nawawalan ng pag-asa. Kaya ang halimbawa ni Bea ay napakagandang marinig, lalo na ng ating mga kabataan, na sigurado namang buhay pa 10 years from now.

Hindi kami naniniwalang may isang madyikero na makagagawa ng magic para mabilisang umunlad ang bansa. Lugmok tayo at hindi natin maikakailang baon sa utang, na kailangan naman nating gawin dahil sa naging sitwasyon natin.

Kung mayroon mang mga nagkamali sa diskarte, natural talaga ang ganoon kung minsan.

Pero wala na tayong panahon para magsisihan pa, at lalong hindi naman dapat na mawalan ng pag-asa.

Dapat ang isipin natin ay kung papaano babawi ang ating kabuhayan pagkatapos ng lahat ng mga ito.

Ang industriya ay ganoon din. Sarado pa ang mga sinehan. Hindi naman na puwedeng iyang internet platforms lang ang asahan, hindi sila kikita riyan.

Isa lang ang manood, mai-download iyan, tapos na ang negosyo.

Pero hindi dapat mawalan ng pag-asa, lilipas din lahat ito.

Dianne, pinagtanggol sa pagsusustento sa asawa

Ipinagtanggol ni Dianne Medina ang kanyang asawang si Rodjun Cruz. May mga nagsasabi nga ka­sing si Dianne daw ang mukhang mara­ming trabaho sa ngayon, samantalang ang kanyang asawang si Rodjun ay walang ginagawa kundi magsasayaw sa kanyang social media account.

May isang bagay na hindi alam ang bashers na iyan. Si Rodjun, kung mukhang hindi man nababahala sa sitwasyon ngayong wala halos trabaho sa showbiz, ay kumita naman noong nakaraang panahon at nakapaghanda para sa kanyang kinabukasan.

Isa pa, baka hindi ninyo alam, may mga accounts sa internet na “monetized.” Pumapasok doon ang commercials, at kahit na maliit lang ang bayad, napapartehan naman ang may-ari ng account, kaya kumikita rin siya. At may endorsements din siya sa kanyang social media.

Male celeb, hasa na sa sideline sa ibang bansa

Bistado na ngayon ang raket ng isang male celebrity. Kahit naman pala noong araw, panay ang punta niya sa abroad kung saan siya “nag-e-escort sa mga client na kausap ng kanyang manager.

Ibig sabihin sanay na talaga siya sa kalakarang ganoon sa abroad, at hindi na tayo dapat magtaka kung makipag-live in na siya sa kanyang gay lover, lalo na’t wala na naman siyang career sa ating bansa.

Ngayon ay may lumalabas pang  videos ng kanyang escapades noong araw pa. Mukhang talagang expert siya sa ganyang mga “sideline.” Pero sayang, nakakaahon na sana siya sa ganoon sa tulong ng network niya, hindi pa siya nagpakatino nang husto.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with