^

PSN Showbiz

Gma, Viva at TV5, nag-uunahan sa Lizquen

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gma, Viva at TV5, nag-uunahan sa Lizquen
Lizquen
STAR/ File

Mayroon nang mga alok na proyekto sina Liza Soberano at Enrique Gil mula sa ibang TV networks. Ito ay ayon sa talent manager ng dalawa na si Ogie Diaz. “GMA expressed their inte­rest, TV5 also and ‘yung Viva. Nagbigay sila ng kanilang interes. This is a good problem for us pero siyempre priority muna namin ang ABS-CBN,” kwento ni Ogie.

Matatandaang nagsara kamakailan ang ABS-CBN nang hindi mabigyan ng bagong prangkisa para ipagpatuloy ang operasyon nito. Walang ginagawang teleserye ngayon sina Liza at Enrique para sa Kapamilya Channel. “Kapag wala talagang maibigay na ang ABS-CBN at in-allow naman silang lumipad sa ibang bakuran, doon pa lang kami magko-consider. Pero at least napakagandang problema nito para sa amin. Actually hindi ito problema, isa itong isipin,” giit ng talent manager.

Malaki ang pasasalamat ni Ogie sa pamunuan ng Kapamilya network dahil hindi pa rin umano pinapabayaan ang tambalan ng LizQuen. “Actually ang LizQuen ay isa sa mga hindi binibitawan ng ABS-CBN. As per Tita Cory Vi­danes no’ng nakausap ko, gumagawa naman daw sila ng paraan kung paano maitatawid ‘yung mga loveteam na pinoprotektahan nila at sine-secure talaga nila. Alam naman natin ang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), nandiyan ‘yan. Ang LizQuen, nand’yan din,” paglalahad ni Ogie.

Isang bagong pelikula ang nakatakdang gawin nina Liza at Enrique sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina mula sa Star Cinema. “Excited ‘yung dalawa na gawin ‘yung movie provided na kailangan mag-flatten ‘yung curve ng pandemya,” pagtatapos niya.

Puso ni Angeline may nagpapatibok na

May bagong nagsisilbing inspirasyon ngayon kay Angeline Quinto. Ayon sa singer ay mayroon nang nagpapatibok sa kanyang puso sa kasalukuyan. “Actually ngayon meron naman po. Pero hindi ko pa siya napapakilala kay Mama Bob, hopefully ‘pag maayos na lahat sana maipakilala ko na,” pagtatapat ni Angeline.

Si Mama Bob na ang nakagisnang magulang ng singer kaya naman sobrang mahal niya ito. Kahit limitado ang trabaho ngayon dahil sa banta ng covid-19 pandemic ay nagpapasalamat pa rin si Angeline dahil nagkaroon ng mas mahabang oras upang makasama ang kinikilalang ina. “Kasi ‘yan ang hindi ko nagagawa no’ng marami akong trabaho. Ngayon mini-make sure ko talaga na lagi kaming sabay kumain, kung ano man ang gusto niya, ‘yon ang gagawin ko basta for mama Bob,” pagbabahagi ng dalaga.

Matatandaang naugnay si Angeline kina Coco Martin at Erik Santos ilang taon na ang nakalilipas. May nakarelasyon din si Angeline na itinuturing niyang TOTGA (the one that got away) pero hindi na niya ito pinangalanan. “Siguro kung ano man ang meron siya ngayon, I’m sure happy na siya. At sana dumating ang time na ako naman ‘yung magiging masaya sa buhay pag-ibig ko. Sana gano’n din siya kasaya,” makahulugang pahayag ng singer. (Reports from JCC)

vuukle comment

OGIE DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with