^

PSN Showbiz

Singer na binirang walang utang na loob, nabiktima ng fake tsismis

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakaawa naman pala ang isang male singer na nalagay sa hindi magandang sitwasyon kaugnay ng mga problemang pinagdadaanan ngayon ng kanyang istasyon.

Agaran siyang na-bash, maraming bumibira sa kanya, tinawag siyang walang utang na loob sa network na nagbigay ng magandang career sa kanya.

Pero naunahan lang pala siya ng mga sumbong at impormasyong hindi niya naman ginawa at sinabi, may mga nagkarga lang pala ng kung anu-anong kuwento laban sa kanya, kaya lumawak ang isyu.

Kuwento ng aming source, “Actually, wala namang inilabas na decision ang network na banned na siya. Walang ganu’n! Ibang tao lang ang nagpalaki sa kuwento!

“Kahit naman saan, e, maraming mema, may masabi lang, mahilig makisawsaw sa mga issue kahit wala naman silang alam! Basta makapagsalita lang!

“Naunahan siya ng mga ganu’ng tao, nakakalungkot nga, dahil ang iba sa mga taong ‘yun, e, kasamahan pa niya! Imagine, akala niya, e, mga kaibigan niya ang mga taong ‘yun, pero hindi naman pala?” unang kuwento ng aming impormante.

At ayon sa aming kausap ay tahimik lang kasi ang male singer na ito, hindi siya mahilig magpalapad ng papel sa produksiyon, ginagawa lang niya ang kung anumang kailangan niyang gawin para sa musical variety show.

Patuloy ng aming impormante, “Isa siya sa pinakamagaling, pero tahimik lang na performer, hindi siya maepal. Kung ano ang i-assign na kanta sa kanya, pinag-aaralan niya, idine-deliver niya nang maayos!

“Kung wala man siyang production number o spot number, walang problema sa kanya ‘yun, ang mahalaga sa kanya, e, malaking bagay ang nagagawa sa kanya ng show para sa mga bookings niya.

“Hindi totoong banned na siya sa show, nandu’n pa rin siya, pinalutang lang ng iba ang mga ganu’ng kuwento! Kaya tuloy ang ligaya, makasisigaw pa rin siya ng Darna!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Sharon nakahanap ng maraming kakampi

Sa mga lumalabas na opinyon ngayon ng mga manunulat ay hindi na kailangan pang ispilengin na sumasang-ayon kay Sharon Cuneta ang mas nakararami sa mga rebelasyong inilabas niya laban kay Ronald Carballo.

Hindi lang nanghihimasok ang karamihan sa aming hanay tungkol sa mga ipino-post ni Ronald sa kanyang FB account laban kay Sharon, kay Senador Kiko Pangilinan at sa kanyang mga anak, pero sa mga personal na umpukan ay nangingilabot ang magkakaumpukang manunulat.

Isang matamis na samahan na nauwi sa walang kasing-asim na senaryo ang kinauwian ng relasyon nina Sharon at Ronald. Nakapanghihinayang, lalo na’t minahal ni Sharon na parang kapamilya na ang reporter, maging ng namayapang si Mommy Elaine.

Hindi ugali ni Sharon ang panunumbat, pero sa kanyang mga pahayag ay kitang-kita ang napakalaking pabor at tulong na naibigay niya sa reporter, sobra pa sa sapat na dahilan para hindi siya wasakin nito sa publiko.

Kailangang malaman ng reporter na napaka­raming personalidad na nagbubunyi sa ginawang paglantad ng Megastar para sagutin ang mga paninira sa kanya ni Ronald, sila ang mga artistang minsan isang panahon, o madalas na inuupakan din ni Ronald nang hindi nila alam kung bakit at ano ang dahilan.

Sabi nga, may panahon ng tagsibol at pag-ani, kung ano ang ating itinanim ay ‘yun din ang ating aanihin.

Hindi natin mapipilit ang isang tao para tayo respetuhin pero makagagawa tayo ng mara­ming paraan para maiwasan natin ang hindi pagrespeto sa atin.   

Mulat ang kaibigan naming propesor sa mga nagaganap, nabasa rin nito ang mga mapanirang kuwento ni Ronald laban kay Sharon, kaya ang kanyang komento, “You don’t write beacuse you want to say something. You write because you have something to say.”

Ang loyalista ni Sharon Cuneta na si Bradly Guevarra ay nagsabi, “Pinuno na niya ang salop, kailangan na siyang kalusin. Ginagamit niya ang FB page niya para lang upakan ang Megastar, ang asawa niya, ang mga anak niya. Panahon na talaga para magsalita siya.”

Mukhang mauuwi sa husgado ang usaping ito. Madiing sinabi ni Sharon na makikipag-ubusan siya ng naiipon dahil ibang usapan na ang pinasok ni Ronald Carballo tungkol sa kanyang pamilya.

“Humanda ka. Binaboy mo kami ng mga anak ko, lalo na ang panganay ko. IBANG USAPAN NA ITO! KAHIT MAUBOS LAHAT NG IPON KO! Basta... HUMANDA KA!” eksaktong pinakawalang mga salita ng Megastar.

vuukle comment

TSISMIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with