^

PSN Showbiz

Female personality walang magawa sa‘pagmamaldito’ ng partner sa kanyang network

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Matindi ang pinagdadaanan ngayon ng isang kilalang female personality. Literal siyang nakaipit sa dalawang nagbabanggaang puwersa.

Balon ng kanyang kabuhayan ang isa at katuwang niya naman sa buhay ang isa pa. Kanino at saan siya papanig? Sino ang kanyang kakampihan?

Kuwento ng aming source, “Palagi siyang kausap ng mga kasamahan niya sa show, hagulgol siya nang hagulgol! Halos wala na siyang masabi, iyak na lang siya nang iyak!

“Paano na nga naman ang career niya? Sa network na inuupakan ng mahal niya sa buhay nakasalang ang future niya? Du’n siya nagtatrabaho, du’n siya kumikita, paano na ang career niya?” unang reaksiyon ng aming impormante.

Walang magawa ang female personality, puro iyak na lang talaga ang magagawa niya, dahil mahirap suhetohin ang kanyang mahal sa buhay na patuloy na tumutuligsa sa istasyong pinagtatrabahuhan niya.

Patuloy ng aming source, “Nag-try na siya, kinausap niya nang masinsinan ang taong umuupak sa station, pero walang positive result ang pakiusap niya.

“Hindi siya pinakikinggan, hindi siya pinagbigyan, kaya ganyan na lang ang paghagulgol ng girl. Konting panahon na lang pala kasi at babalik na siya sa show.

“Magtatrabaho na uli siya at talagang pinaghahandaan na niya ang kanyang pagbabalik, pero may nangyari nga. Sobrang open sa pagbira sa station ang mahal niya sa buhay na masyadong makasarili.

“Hindi ba naman pagiging maramot ang ginagawa ng taong ‘yun? Dahil sa mga upak niya sa network at sa production, e, nanganganib na mawalan na ng work ang mahal niya sa buhay!

“Okey na lang sanang hindi siya kampi sa mga namumuno sa istasyon, pero para ipaglantaran pa niya ang mga upak niya, e, sobra na! Ipino-post pa niya ‘yun talaga at pati mga artistang nananahimik, e, binibira rin niya!

“Nakakaawa naman ang girl, wala na siyang babalikang trabaho sa network. Wala na siyang mukhang ihaharap pa sa publiko dahil sa mga pinaggagagawa ng taong mahal daw siya, pero inilagay naman siya sa alanganing sitwasyon!” madiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Mommy Divine nagbasag ng mga pinggan sa reception ng kasal nina Sarah at Matteo!

May mga detalyeng ipinaabot sa amin ang isang source na hindi nanununog at nangunguryente tungkol sa nangyari nu’ng nakaraang Huwebes, February 20, araw ng kasal nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Kasama palang dumating sa taping ng The Voice Teens ni Sarah ang kanyang amang si Mang Delfin. Maaga silang dumating sa studio pero bandang manananghalian na ay biglang sumakit ang tiyan ng ama ni Sarah.

“Umuwi muna ang father niya dahil may LBM. Ang close-in security lang niya ang naiwan sa ta­ping,” unang kuwento ng aming source.

Pagkatapos ng taping ay umalis na si Sarah, hindi niya kasama ang sinuman kay Mang Delfin at Mommy Divine, ang close-in security lang niya ang kasamang umalis ng sikat na singer-actress.

Tumuloy sila sa isang kilalang hotel, gina­nap na ang kasal, nandu’n ang buong pamilya ni Matteo at ilang malalapit nilang kaibigan at kamag-anak.

Pagkatapos ng kasal ay tumuloy na sila sa isang function room, nag-dinner silang lahat, tinawagan nila ang dalawang taong malapit kina Matteo at Sarah para makasalo.

Dumating naman ang dalawang taong nireresperto ng mga bagong kasal, pagkalipas lang nang ilang minuto ay biglang bumukas ang pintuan ng function room, si Mommy Divine ang humahangos na nagbukas nang malakas sa pintuan.

Ayon sa aming source, “Ang lakas ng pagkakabukas ng pintuan ng mommy ni Sarah, tinamaan pa nga ang younger brother ni Matteo. Sumigaw agad siya, ‘Mga walanghiya kayo! Gusto kong kausapin ang anak ko!’

“Nagbasag ng mga pinggan si Mommy Divine! Nagkaroon ng commotion! Hindi niya puwedeng ikaila ‘yun dahil maraming tao sa labas ng function room!

“Pinaalis na agad nu’ng respected visitor nila sina Matteo at Sarah, iniiwas na sila sa gulo, naiwan ang mommy ni Sarah du’n na talagang nagwawala!” komento ng aming source.

Nilinaw rin ng aming impormante na hindi sinaktan ni Matteo ang close-in security ni Sarah. Tinabig lang ito sa balikat ng aktor dahil gusto rin nitong pumasok sa function room na exclusive lang sa mga bagong kasal at sa kanilang mga kaibigan at pamilya ni Matteo.

vuukle comment

THE VOICE TEENS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with