^

PSN Showbiz

Mark hindi inggitero kahit napag-iiwanan na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mark hindi inggitero kahit napag-iiwanan na!
Mark

Na-sad ako nang makita ko sa trailer ng Descendants of the Sun si Mark Herras. Ang progress ni Rocco Nacino sa career niya ang bigla kong kinaiinggitan.

Kapag nanonood din ako ng All-Out Sundays, nagtataka ako bakit wala si Mark sa line up na nakakalungkot isipin.

Nakilala si Mark as bad boy ng dance floor. Umangat na ang mga ibang Starstruck aspirant pero parang na-stuck na si Mark.

Mabuti na lang, gaya nang hinahangaan ko na ugali ni Mark, hindi siya inggitero. Wala siyang inggit sa nakikita niya na pag-angat ng mga ibang Starstruck contestant at winners.

Ewan ko ba, pero si Mark yata ang example ng isang tao na getting older but refusing to grow up.

Wake up Mark, sayang ang panahon.

Wake up please.

Hindi pa huli ang lahat. May oras pa para makahabol ka sa kanila. Mabilis lang ang panahon at kung ako sa ‘yo, gawin mo nga ngayon ang kung anumang hindi mo nagawa nung nakalipas na panahon.

February magastos!

Grabe pala talaga ang dami ng concerts ngayong February. Start ng Urdaneta show nina Julie Anne San Jose at Christian Bautista, tapos ang show nina Aicelle Santos at Mark Bautista, Pops Fernandez at Martin Nievera at may Regine Velasquez at Sarah Geronimo pa.

Wow, ang gastos ng February ha? Pero dahil siguro Valentines kaya lahat, type mag-go and watch.

In fairness, magagaling naman ang singers na may Valentine concerts, idagdag pa natin ang mga Korean Pop group na darating sa Pilipinas.

Hay ipun-ipon talaga ng datung para mapanood ang sunud-sunod na February shows.

Sana, maging successful ang lahat ng mga concert dahil in all fairness, dapat na suportahan natin ang local singers no?

So watch tayo ng mga show ng sariling atin, huwag ubusin sa Korean Oppas ‘no?

Mikael Daez at Megan Young,may sariling podcast na

Ano ba ‘yung Podcast Salve?

Kuwento sa akin ng isang taga-GMA, na bukod sa patok sa netizens ang adventures ng Kapuso couple at newly-wed na sina Megan Young at Mikael Daez na napapanood sa kanilang YouTube channel, may regalong handog din daw ang dalawa para sa kanilang loyal fans.

Inilunsad na raw nina Megan at Mikael ang #BehindRelationshipGoals kahapon, isang podcast tungkol sa naging journey nila mula magkasintahan hanggang ngayon bilang mag-asawa.

Hahaha kaloka. Dati Facebook, Twitter, IG, ngayon Podcast.

Basta ako sa IG lang. Period. Hahaha.

Siyanga pala, congratulations kay Mikael dahil sa Lunes ay world premiere na ng primetime series na Love of my Life kasama sina Ms. Coney Reyes, Carla Abellana, Rhian Ramos, at Tom Rodriguez. Huwag palalampasin ang pilot episode ng Love of my Life  ngayong February 3 sa GMA Telebabad!

vuukle comment

MARK HERRAS

MEGAN YOUNG

MICHAEL DAEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with