^

PSN Showbiz

Aktres hindi tumatanda ang hitsura kahit puro hirap ang dinaranas sa asawa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung pagiging martyr na misis ang pag-uusapan ay nangunguna sa listahan ng kanilang mga katrabaho at kaibigan ang isang female personality na napakatagal na nagtiis sa poder ng isang male personality.

Mga bagets pa sila nang magkakilala, nagkapalagayan sila ng loob habang ginagawa nila ang isang pelikula, nagmahalan sila at bumuo ng pamilya.

Sa simula ay maayos naman ang kanilang pagsasama, lalo na nang magdesisyon silang mangi­bang-bansa, pero sa pagbabalik nila sa Pilipinas ay nagsimula nang gumiwang-giwang ang kanilang relasyon.

Kuwento ng aming source, “Nakakaawa ang girl, martyr talaga siya sa dilang martyr, puro paghihirap ang inaabot niya sa mister niyang may iba namang pinagkakaabalahan.

“Nalihis ng landas ang lalaki, napasama sa isang barkadahang walang pakialam sa kinabukasan ng kanilang pamilya, kaya ang babae lang ang mag-isang nagtataguyod sa mga anak nila.

“Imagine, mag-isa lang siyang kumakayod habang ang mister niya naman, e, nagpapasarap lang sa buhay! Puro barkada ang inaatupag niya habang halos wala nang pahinga ang misis niya sa pagtatrabaho at pag-aasikaso sa mga anak nila!

“Ayaw kasi ng girl na umaasa lang sa ibang tao, gusto niyang mula sa pagsisikap niya nanggagaling ang ikinabubuhay nila. Walang pakialam ang male personality sa pamilya niya!” kuwento ng aming impormante.

Pero hindi halatadong dumadaan sa sobrang problema at paghihirap ang female personality, nang ipanganak siya ay parang kakambal na niya ang fountain of youth, dahil hindi nagbabago ang kanyang itsura.

Patuloy ng aming source, “Hiyang-hiya sa girl ang pamilya ng husband niya, pero wala namang pinakikinggan ang lalaki, bisyo lang siya nang bisyo!

“Hanggang sa umabot na sa sukdulan ang girl, sobra-sobrang paghihirap na ang pinagdadaanan niya, kaya kailangan na niyang humiwalay.

“Sa kabila nu’n, e, iniintindi pa rin ng girl ang mister niya, binibigyan ng panahon kung talagang kailangan, kontrang-kontra na nga sa mga ginagawa niya ang mga anak nila!

“Gusto siyang ipagpatayo ng monumento ng mga kaibigan nila, ibang klase ang disposisyon ng girl, napakatatag niya. Kumbaga sa klase ng mga ibon, isa siyang agila,” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Sharon ang daming ‘hugot’ sa birthday, KC nasapol 

 Tapos na ang unang sultada ng All-Out Sundays na tinutukan namin mula sa umpisa hanggang sa matapos. Paglipat namin sa ASAP Natin ‘To ay ang birthday presentation ng Megastar ang aming inabutan.

Pagkatapos niyang makikanta sa mga singers, ng variety show ay kumanta naman silang mag-iina, umuwi si Frankie mula sa New York nu’ng Kapaskuhan, dalaga na rin ang kanyang bunsong si Miel.

Naging emosyonal si Sharon Cuneta nang bumati sa kanya si Senador Francis Pangilinan na akay-akay ang kanilang adopted son na si Miguel, sobrang mahiyain ang bagets, palaging nakayuko.

Makahulugan ang binitiwang salita ng Megastar kaya siya sobrang emosyonal, “Ang alam ko kasi, e, apat ang anak ko,” wala si KC sa kanyang selebrasyon.

Sinabi rin niya pagkatapos bumati ang mister niyang senador, “Hindi baleng hindi mo kamukha si Brad Pitt, marami naman siyang problema. Tayo, wala.”

Pero nagmarka sa manonood ang pahayag ni Sharon sa kanyang mga anak na gayahin nila ang pagiging mabuting anak ni Sarah Geronimo pati na nina Regine Velasquez at Judy Ann Santos.

May tampo ang Megastar sa kanyang panganay, kung kilala nga namin ang ugali ni Sharon ay hindi niya kayang kimkimin ang kanyang nararamdaman, naghahanap ng panahon at pagmamahal ang nanay mula sa kanyang anak.

May pahabol pa si Sharon kina Frankie, Miel at Miguel, ang palaging ilalapat ang kanilang mga paa sa lupa, ang bibigyan ng pagpapahalaga ang mga nagagawang kabutihan ng mga magulang nila, ang huwag makalilimot magpasalamat.

Hindi ganu’n kasimple ang mga binitiwan niyang habilin sa kanyang mga anak. Meron siyang gustong gisingin. Meron siyang gustong paalalahanan.

Sa totoo lang.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with