^

PSN Showbiz

Live soap opera nina Bea, Gerald at Julia muntik umabot sa Senate hearing

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Live soap opera nina Bea, Gerald at Julia muntik umabot  sa Senate hearing
Gerald Anderson

Mukhang subsiding na ang Bea Alonzo/Julia Barretto at Gerald Anderson drama. Suwerte ng mga celebrity noon na nagkaroon din ng ganitong romantic encounter dahil wala pang social media, at the time.

Tulad nga ng sinabi ni Gerald, hindi niya alam na buong bayan pala ang kasali sa kanyang buhay.

Kahit naman siguro si Bea, hindi inakala na ganoon katindi ang magiging epekto ng cryptic post niya sa Instagram noong July 21 at ang kanyang pag-like sa ibang mga post.

At si Julia, bongga, overnight na siya ang pinaghalo na Bella Flores at Zeny Zabala ng bayan. Kahit sino, nawindang sa interes na ipinakita ng bayan sa isyu nina Bea, Gerald at Julia.

Lahat ng mga tao, interesado dahil pinag-usapan nila ang real-life teleserye na araw-araw,may bagong twist, subplot at cliff-hanging incidents na nakadagdag sa istorya.

Nalimutan ng lahat na marami nang ganoong kuwento sa showbiz na nangyari at nagdaan pero hindi naging ganito kalaki dahil never heard pa noon ang social media. Hindi kagaya ngayon na lahat ng mga tao, puwedeng magbigay comment, sumawsaw at makihalo.

Hay naku, in the end, biktima sina Bea, Gerald at Julia. Nasaktan silang tatlo, nahubaran ng publiko at babantayan ang lahat ng kilos mula ngayon.

May lapitan lang si Gerald na babae, sure na tambak na ang comments. May madikit lang kay Julia na lalake, iba na agad ang iisipin at kahit si Bea, tiyak na aabangan din ang next romantic chapter ng life niya. A live soap opera na pinanood ng buong bayan. Sabi nga kulang na lang senate hearing, or is it really worth it?

Personal shoppers exciting din ang buhay

Exciting din pala Salve na makita how a personal shopper or online sellers worked. ‘Yung dadalhin nila ang kanilang mga paninda anywhere para makita ng bibili, parang shopping na home service.

Siguro nga dahil sobrang bilis ng oras, naiinip sa traffic ang shoppers at convenient na sila ang pinupuntahan ng nagtitinda kaya mabilis ang success ng mga online seller at personal shoppers.

Kung sabagay, tatlo pa lang naman ang na-encounter ko na online sellers, sina Aimee, Aries at Ronite.

Masuwerte ako dahil nabigyan nila ako ng regalo, si Aimee nga naloka ako dahil give akong tshirt at Prada pouch, si Aries binigyan ako ng slippers, si Ronite scarf, shirt at perfume ang natanggap ko.

Pero dahil nga hindi ako mahilig bumili, hayun, hindi nila ako na-tempt kaya kapag may complaints laban sa kanila tulad ng nangyari kay Aries, post ko pa rin.

Atty. Joji kampon naman ang aayusin 

Ang sipag naman ni Atty. Joji Alonso dahil binantayan niya raw screening ng Belle Douleur sa Trinoma Cinema noong Biyernes.

Ang Belle Douleur ang unang pelikula ni Atty.Joji bilang direktor at happy siya dahil bongga ang feedback ng moviegoers sa directorial debut niya.

Malamang na masundan pa ang mga movie project ni Atty. Joji bilang direktor pero for the meantime, aasikasuhin muna niya ang shooting ng Kampon, ang horror movie na siya ang produ, pagbibidahan ni Kris Aquino at official entry sa Metro Manila Film Festival 2019.

vuukle comment

BEA ALONZO

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with