^

PSN Showbiz

Mark May pinagdaraanang challenge

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mark May pinagdaraanang challenge
Mark

Nagulat ang ilang mainstays ng Studio 7 sa tsismis na matsu­tsugi na ang naturang musical show.

Wala naman daw silang narinig na ganung tsismis, sabi ni Mark Bautista nang makatsikahan namin sa nakaraang concert ni Julie Anne San Jose, ang Julie Sings the Divas sa The Theater at Solaire.

Gumaganda nga raw ang ratings nung nilipat na sila ng timeslot, pero medyo late na kasi tuwing Sabado ng gabi.

Challenging nga raw sa kanila ngayon dahil ibinalik na raw sa kanila na wala na raw uli silang prompter.

“Kahit mga guest nga raw nila ay sinabihan na walang prompter.

“It’s always a challenge every episode, lalo na ngayon kasi every taping parang tatlong episodes ang ginagawa pero ini-enjoy naman namin eh,” pakli ni Mark. Kaya kailangang memoryado raw nila ang lahat na mga  kanta nila.

Sa totoo lang, ang dami raw niyang nasakripisyo dahil dito sa Studio 7. Isa na nga ay naisantabi na raw ang pag-audition niya sa mga musicals dahil nga sa regular na taping niya at pinaghahandaan pa raw niya every episode na kinukunan.

Ang latest lang daw niyang nabalitaan na baka ibalik ang Here Lies Love sa susunod na taon.

“Pero hindi ko pa alam. Pero sana matuloy,” pahayag niya.

Gusto nga raw niyang balikan ang musicals, pero kailangan daw talagang mag-iikot ka at mag-audition, pero  sa ngayon ay naka-focus daw muna siya sa Studio 7 dahil marami raw silang natatanggap na maraming feedback sa naturang programa.

“Kailangan talagang dumaan ka sa audition eh.

“Pero sa ngayon, hindi pa kaya kasi ito ngayon ang humahawak sa akin ang Studio 7,” nakangiti niyang pahayag.

Kababalik lang ni Mark mula sa Sydney, Australia na kung saan nagkaroon siya ng show doon kasama sina David Pome­ranz at Melissa Manchester.

Nadine health reason ang binigay kaya umayaw sa movie nila ni Aga

Hindi na pala si Nadine Lustre ang makakasama ni Aga Muhlach sa MMFF entry ng Viva Films na Miracle in Cell No. 7.

Nakuha namin ang kuwentong ito sa launching ng Summer Metro Manila Film Festival na ginanap sa MMDA kahapon.

Ayon sa Executive Committee ng MMFF, nagpadala raw ng pormal na request ang Viva Films na papalitan daw nila ang kanilang lead actress sa naturang film project.

Nag-beg off na raw si Nadine na ang sinabi; “due to persistent medical concerns and her resulting inability to perform her duties as an actress during the shoot up to the promotion of the film.”

Doon na rin daw nila isinumite ang pangalan ni Bela Padilla bilang kapalit ni Nadine.

Tinanggap naman daw ng Execom ng MMFF ang pagbabagong ito na hindi na si Nadine ang magiging leading lady ni Aga Muhlach kundi si Bela na.

“We believe that Bela Padilla is an excellent actress and a bankable star and she will significantly contribute to the film’s artistry and commercial success,” bahagi ng announcement mula sa Executive Committee ng Metro Manila Film Festival.

Samantala, marami naman ang natuwa sa pagkakaroon ng isa pang MMFF at ginawa na ito sa summer.

May ilan na nga akong nakausap na interesadong mag-submit ng kanilang entry. Kaya inaalam na nila ngayon kung ano ang mechanics nang pagsali.

Isang kilalang aktor na matagal nang hindi nakagawa ng pelikula ang gustong bumalik at  pinag-isipan daw niyang subukang ipalabas ang pelikula niya sa summer at baka maganda raw kung merong ganung film festival.

Derek at Andrea totohanan na

Marami tuloy ang naiintriga sa pagsama ni Andrea Torres kay Derek Ramsay sa Shanghai.

Akala kasi namin ay may kinalaman ito sa The Better Woman nila pero sumama lang pala ang Kapuso sexy actress para suportahan ang laban ni Derek sa Frisbee competition na sasalihan niya. Maganda nga naman kung merong magtsi-cheer na taong malapit sa yo sa labang sasalihan mo.

Pero may namumuo na bang something sa dalawa?

Sinabi naman noon ni Derek na wala namang masama kung may ma-develop dahil pareho naman silang single.

Hindi nga malayong magkadebelopan dahil sa totoo lang, ang ganung ganda ang type pala talaga ni Derek, kahit sa mga mestisa siya napu-fall.

Mas mainit pa ang mga eksenang gagawin nila ngayon sa The Better Woman, at mas madrama kaya maganda rin siguro kung inspired kayo sa isa’t-isa.

Wala namang kukontra siguro kung si Andrea na nga ba ang the better woman para kay Derek.

Tingnan natin.

 

vuukle comment

MARK BAUTISTA

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with