^

PSN Showbiz

Bea at Angelica magsasama sa MMFF!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bea at Angelica magsasama sa MMFF!
Angelica Panganiban

Ang pelikula na pagbibidahan nina Bea Alonzo at Angelica Panganiban ang plano palang isali ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival sa December 2019.

Tungkol sa dalawang babae na nagkaroon ng relasyon sa isang lalaki ang kuwento ng pelikula na secret pa ang title.

Dati na raw sinubukan ng Star Cinema na isali sa Metro Manila Film Festival ang script ng Bea-Angelica movie pero ngayong taon lamang plano na ituloy.

Dennis, Janno at Andrew E. may tribute para kay Eddie

Noong Biyernes daw ang last shooting day ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo, ang comedy movie ng Viva Films na pinagbibidahan nina Dennis Padilla, Janno Gibbs at Andrew E.

May special participation sa pelikula si Eddie Garcia at kung hindi ito pumanaw noong June 20, malamang na kasama siya sa last shooting day ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo.

Malaking kawalan para sa cast ng Viva Films movie ang pamamaa­lam ng legendary veteran actor na may isang eksena na naiwan at hindi nakunan dahil sa aksidente na nangyari sa kanya.

Nag-decide na lang ang direktor na si Al Tantay na gawan ng cure ang eksena ni Eddie pero definitely, mapapanood pa rin siya sa comedy film na may playdate sa September 2019. I’m sure, i-aalay o magiging tribute kay Eddie ng Viva Films ang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo.

Maraming ginawa na pelikula si Eddie sa Viva Films bilang aktor at direktor. Sino ang makakalimot sa Sinasamba Kita, isa sa mga blockbuster movie ng Viva Films noong nag-uumpisa pa lamang ito na producer ng mga pelikula. Si Eddie ang direktor ng Sinasamba Kita at unforgettable din ang ilang mga pelikula niya sa Viva Films bilang aktor gaya ng Palabra de Honor, Kung Mahawi Man Ang Ulap, Hukom 45, Boyong Mañalac at marami pang iba.

Asawa ni Michael V. pasadong movie producer

Isang surprise 50th birthday party ang regalo ni Michael V. sa kanyang misis na si Carol Bunagan noong Biyernes.

Bale dalawa ang importante na event ang nangyari sa buhay ni Carol noong nakaraang linggo, ang kanyang 50th birthday celebration at ang grand presscon noong July 2 ng Family History ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment.

May involvement sina Carol at Michael V. sa Family History dahil co-producers sila ng family-oriented movie na showing sa mga sinehan sa July 24.

Pasado si Carol bilang baguhan na movie producer dahil marunong siya na mag-budget. Siya ang umaawat sa mga idea ng kanyang asawa kapag alam niya na magi­ging  magastos para sa unang venture nila sa movie production.

Si Carol ang executive producer ng Mic Test Entertainment at ang kanyang asawa ang bida, direktor at sumulat ng script ng Family History.

Mga seryeng pinagsamahan nina Gladys at Manilyn wala pang nangulelat

May bagong show si Gladys Reyes sa GMA-7, ang Madrasta at starring din dito sina Arra San Agustin, Thea Tolentino at Juancho Trivino.

Noong Biyernes ang story conference ng Madrasta na upcoming afternoon soap ng GMA-7. Makakasama ni Gladys sa show si Manilyn Reynes na co-star niya noon sa Inday Will Always Love You, isa sa mga top-rating primetime program ng Kapuso Network.

Natuwa ang fans dahil mapapanood uli nila sina Gladys at Manilyn na magkasama sa isang drama series. Naniniwala ang fans na may hatid na suwerte ang tandem nina Manilyn at Gladys dahil never na nangulelat sa ratings ang mga show na tinampukan nila.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with