^

PSN Showbiz

Mariel at Robin may baby no. 2 na!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mariel at Robin may baby no. 2 na!
Mariel

MANILA, Philippines — Mas bongga ang Mother’s Day ni Mariel Rodriguez this year. Kahapon  sa It’s Showtime ay kinuwento niyang may Baby no. 2 na sila ni Robin Padilla na naging abala sa natapos na kampanya. “Today, I am so happy to share with all of you ang isang espesyal na balita na nalaman namin ng asawa ko a few months ago. Si Isabella ay magiging ate na. I am three months pregnant with Baby No. 2,” banggit niya sa opening portion ng kanilang programa kung saan nagbigay sila ng tribute para sa mga ina.

Dalawang beses munang nagkaroon ng miscarriage si Mariel bago nabuo ang panganay nilang si Isabella na pinanganak niya pa sa Amerika. Common knowledge na hindi madali ang pinagdaanan niya bago nagkaanak sa aktor. “A few years ago, pag Mother’s Day, para sa akin po, para lang siya isang ordinaryong araw. But all of that changed when I became a mom myself,” kuwento niya pa kahapon.

Maligayang araw sa lahat ng mga Ina.

Pikachu nang-agaw sa takilya

Ang Hollywood film na Detective Pikachu ni Ryan Reynolds naman ang nakalaban ng mga Tagalog films na nag-showing last Wednesday. May mangilan-ngilan pang natitirang Avengers : Endgame sa mga sinehan, pero mas marami na ang sa Picachu na kinababaliwan naman ng mga bata.

Tatlong pelikulang Tagalog ang nagbukas sa mga sinehan - Sons of Nanay Sabel, Man and Wife and Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon. Pero walang sumipa sa takilya.

Hindi rin kasi pang-bata ang tatlong pelikula kaya mas dagsa ang mga nanonood sa Picachu.

vuukle comment

MARIEL RODRIGUEZ

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with