^

PSN Showbiz

Maymay ang lolo at lola ang naisip habang nagsusulat ng kanta

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maymay ang lolo at lola ang naisip habang nagsusulat ng kanta
Maymay

Kahapon ay nailunsad na ang bagong music video para sa single ni Maymay Entrata sa Star Music na may titulong Kakayanin Kaya. Kasama ng dalaga ang katambal na si Edward Barber sa bagong music video. Ang lolo at lola raw na nagpalaki sa baguhang aktres ang naging motibasyon ni Maymay habang kinukunan ang mga eksena sa kanyang music video. “Nire-relate ko po siya doon sa kwento ni lolo at lola ko. Sila kasi ‘yung may forever. Tapos... ayaw ko na,” naiiyak na pahayag ni Maymay.

Emosyonal ang dalaga dahil talagang napamahal na sa lolo at lola mula pagkabata. Matatandaang namatay ang lolo ni Maymay noong 2017 habang nasa loob pa ng Pinoy Big Brother house ang aktres. “Buti na lang kasi hindi ako mabubuhay (kung wala sila). Tapos noon, kinaya pa ni lola ko ‘yung nawala ang lolo ko. Kinaya niya, ‘yon po ang hugot ko sa kanta,” pagbabahagi ng aktres.

Myrtle hindi na nagulat sa halikan ng PBB housemates

Naging kontrobersyal ang episode ng Pinoy Big Brother noong isang linggo dahil sa paghahalikan ng dalawang housemates. Mukhang nagkakamabutihan na sina Andre Brouillette at Lou Yanong sa loob ng bahay ni Kuya ngayon. Mainit na pinag-usapan sa social media ang tungkol sa pagiging intimate umano ng dalawa.

Para sa dating housemate na si Myrtle Sarrosa ay kinakailangan na maging responsable ang isang taong pumapasok sa PBB house para hindi maka­pagdulot ng ano mang eskandalo sa mga mano­nood. “Kami rin no’ng nasa bahay kami ni Kuya tapos may gano’n, parang you are in the house to also learn about yourself. It’s also to set an example. So buti na lang si Kuya, he gives the right advice para din ma-guide. Para sa akin din, parang if you don’t have a relationship with a person, why would you kiss them? Hindi mo rin alam ‘yung feelings mo para sa kanya. Hindi mo puwedeng gawing dahilan ‘yung alcohol or being out of yourself. Parang you should always still have a bit of control. Tapos anong sasabihin ng pamilya mo din,” paliwanag ni Myrtle.

“Para sa akin, they can be true to themselves pero at least alam din nila kung ano ‘yung tama at mali, at buti na lang nasasabi sa kanila ‘yon. Pero kung kaibigan nila ako in real life, sasabihin ko rin sa kanila na mali,” dagdag pa ng dalaga.

Aminado naman si Myrtle na hindi na siya nagulat nang mabalitaan ang tungkol sa nasabing insidente sa loob ng PBB house. “Sa totoo lang kasi, sa millennium na ito, ang dami kasi na kahit walang relationships, naghahalikan na, may gano’n. Hindi ko sinasabing ako, hahaha. I mean parang you get exposed to this kind of environment na ‘pag sa parties and stuff may mga gano’n. Para dapat pa rin talaga merong guidance  from those older than you,” paglalahad ni Myrtle. (Reports from JCC)

vuukle comment

MAYMAY ENTRATA

PINOY BIG BROTHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with